Delivery rider na inakusahang nagpakalat ng virus, umalma

Delivery rider na inakusahang nagpakalat ng virus, umalma

- Isang delivery man ng isang sikat ng e-commerce company ang nag-viral kamakailan

- Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga kuha ng CCTV habang naghihintay siya ng tatanggap ng kanyang idineliver

- Ayon sa mga ibinahaging post sa social media, dinuduraan umano ng lalaki ang parcel na hawak niya

- Dipensa naman ng delivery man, hindi niya ito dnilaan o dinuraan kundi idinikit lamang daw sa kanyang mukha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang isang post na nagpapakita ng screenshot ng mga CCTV footage na umano'y nagpapakita ng ginawa ng isang delivery rider.

Ayon sa kumalat na screenshot, isang babala ang ibinahagi kaugnay sa umano'y pagdudura/pagdidila ng rider sa parcel na kanyang nakatakdang ideliver.

Delivery driver na inakusahang nagpakalat ng virus, umalma

Photo from: Gerry Sombrero Garbino Jr.
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mga damit na ibinigay bilang donasyon, hindi napakinabangan

Makikita sa mga screenshots ang rider na nakadikit ang mukha sa parcel at sa isa pang litrato ay tila nagpupnas naman ito ng kanyang bibig.

Sa nasabing post, isang paalala tungkol sa pagdi-disinfect ng mga natatanggap na parcel ang nakasulat. Matapos lumabas ang nasabing mga litrato, may mga akusasyong sinadya umano ng rider na gawin iyon upang manghawa.

Isang Facebook user naman ang umamin na siya ang nasa viral na Facebook post ngunit mariin niyang itinanggi ang akusasyong dinuraan o dinilaan niya ang parcel.

Paliwanag niya, ginawa lamang niya iyong panangga sa init dahil sa tagal ng kanyang pag-aantay sa tatanggap ng parcel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, mas naging madali para sa karamihan ang mamili na lamang sa pamamagitan ng ilang e-commerce websites kung saan makikita ang halos lahat ng bagay na kailangan sa pang-araw-araw.

Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang pag-aayos sa kanyang 12-foot Christmas tree

Bukod dito, marami sa mga nawalan ng trabaho ang nabigyan ng panibagong pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagiging courier para sa mga online shops at e-commerce company.

Gayunpaman, naging hinaing sa maraming rider lalo na para sa food delivery ang tinatawag na fake booking kung saan naloloko sila at napapagastos sa mga pagkaing hindi naman babayaran ng nagpa book.

Kamakailan ay nag-viral din ang isang delivery rider na naglabas ng mahigit isang libong piso dahil sa fake booking.

Nanlumo din ang isang rider nang malamang prank lamang ang order sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel