Batang vendor sa viral video, hinangaan sa di basta pagtanggap ng pera

Batang vendor sa viral video, hinangaan sa di basta pagtanggap ng pera

- Umani ng papuri ang isang batang nagtitinda ng mansanas dahil sa ipinakitang ugali nito pagdating sa pera

- Kapansin-pansin ang talino at diskarte ng bata na matiyagang nagtitinda at nakikipagnegosasyon talaga para maubos na sana ang paninda at makauwi na

- Binibigyan na lamang sana kasi siya ng nagmalasakit sa kanya subalit hindi niya ito tinatanggap hangga't hindi ng mga ito kinukuha ang paninda kapalit ng ibinibigay niyang pera

- Kaya naman walang nagawa ang nagbibigay ng pera kundi kunin ang ilang piraso ng mansanas dahil na rin sa pagpupumilit ng kahanga-hangang batang vendor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video tungkol sa isang batang lalaki na naglalako ng mansanas at hindi bastang tumatanggap ng pera nang hindi rin kinukuha ang kanyang paninda.

Ibinahagi ng netizen na si Xof Naraplap ang video kung saan makikita na inalok sila ng batang lalaki ng tinitinda nitong mansanas.

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

"Sabi ko bigyan lang namin pera. Pero ayaw niya tumangap. Yan napabili tuloy kahit ayaw para makauwi na raw siya. God bless kid," ang caption ng viral video.

Batang vendor sa viral video, hinangaan sa di basta pagtanggap ng pera

Photo from Xof Naraplap (Rex Palparan)
Source: Facebook

"Pagkain po dapat hindi pera," ang katwiran ng bata kaya hindi niya tinatanggap ang pera sanang ibibigay ng netizen.

Dahil sa husay ng pakikipagnegosasyon ng bata na pilit na tinatanggihan ang salapi, napabili na rin ang dalawang sakay ng kotse para na rin makauwi ang bata. Bibigyan pa raw nila ito ng pagkain dahil sa ito raw ang tatanggaping tulong ng bata.

Humanga maging ang mga netizens na nakapanood ng video dahil sa kapansin-pansin ang kabaitan at pagiging magalang ng bata.

Hiling ng marami na sana'y manatili itong malusog at malayo sa sakit lalo na at ang nais lamang niya ay ang kumita para sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon

Narito ang iba pang mga komento ng netizens:

"We are happy and thankful to meet you kid....sana marami pang bata ang kagaya mo...magalang at mabait"
"Sobrang bait naman ni baby boy, sana tularan ka pa ng ibang bata na tulad mo"
"Sarap maging magulang ng ganyang mga bata"
"Nakakatuwa naman ang bata na ganito kabait. Saludo rin kami magulang nito na naturuan siya ng magandang asal"
"Ito iyong mga batang masarap tulungan e. Pagpalain ka sana boy"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, hinangaan din ang isang bata na matiyagang naglalako ng gulay at nais din nila itong mabigyan ng anumang tulong.

Natulungan naman ng vlogger na si The Hungry Syrian Wanderer ang batang naglalako ng basahan at nagkaroon ito ng tablet na magagamit nito sa kanyang online classes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel