Mabait na vlogger, pinatawad ang matanda na nakabangga ng kanyang kotse

Mabait na vlogger, pinatawad ang matanda na nakabangga ng kanyang kotse

- Naaksidente ang vlogger na si Basel Manadil sa Pasig City nang sinubukan niyang hanapin ang nag-viral na lolo na nagtitinda ng basahan

- Bahagyang nabangga ang kanyang sasakyan ng isang may edad nang nagmamaneho rin ng kotse

- Kitang-kita ang nerbyos ng matanda na sinabi naman agad ang kanyang address, pangalan at cellphone number

- Ngunit nang sabihin ni Basel na pinatatawad na niya ito, tila nahimasmasan ang matanda at agad na nagpasalamat sa vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang umiral ang kabutihan ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" nang makipag-areglo na lamang siya sa nakabangga ng kanyang sasakyan.

Nalaman ng KAMI na nasa Pasig City noon si Basel upang hanapin at matulungan ang nag-viral na lolo roon na naglalako ng basahan.

Batang vendor sa viral video, hinangaan sa di basta pagtanggap ng pera

Marami kasi ang nag-tag sa kanya sa naturang video kaya naman hindi nagdalawang isip si Basel na kanselahin ang kanyang mga meeting sa araw na iyon upang sadyain sa Pasig ang lolo na hinihinalang mayroon pang Parkinson's disease.

Mabait na vlogger, pinatawad ang matanda na nakabangga ng kanyang kotse

Basel Manadil Photo from The Hungry Syrian Wanderer
Source: Facebook

Subalit hindi pa man niya natutunton ang lolo, nabangga ang kanyang sasakyan at ang nagmamaneho na nakabangga ay isang matanda rin.

Agad na nagpakilala naman ang matanda at sinabi ang kanyang address at cellphone number. Ngunit sinabi ni Basel na hindi na niya ito kailangan dahil pinatatawad na niya ito.

Sinabi rin niya na siya na ang bahalang magpaayos sa bahagyang naging sira ng sasakyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Laking pasasalamat ng matanda na kitang-kita ang takot at nerbyos sa pangyayari ngunit nahimasmasan nang sabihin ni Basel na pinatawad na siya nito.

Samantala, matapos ang insidente, sinubukan namang tuntunin ni Basel ang kinaroroonan ng lolo na naglalako ng basahan subalit hindi nila ito nahanap.

Lalaki, ipina-Tulfo ang naging kasintahan na 'di pala babae' at pinerahan lang daw siya

Babalikna lamang daw ang vlogger upang muling hanapin ang lolo.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog sa pangyayaring ito mula sa 'The Hungry Syrian Wanderer' YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Kamakailan lamang, isa siya sa mga nagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating labis na nasalanta ng Bagyong Ulysses na nagdulot ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.

Natulungan din niya ang Korean na nag-viral sa paglalako niya ng noodles sa kalsada. Itinuring pa niya itong ama-amahan at patuloy niyang sinusuportahan hanggang ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel