PNP Chief Debold Sinas patuloy sa layuning pagbabawas ng timbang

PNP Chief Debold Sinas patuloy sa layuning pagbabawas ng timbang

- PNP Chief Debold Sinas nakapagbawas ng karagdagang 20 kgs sa kanyang timbang

- Sinabi ng mataas na opisyal na striktong diet at tamang ehersisyo ang nakatulong sa kanya

- Inaming nagpakonsulta muna siya sa doktor bago nagsimulang magpapayat

- Gusto niyang maging mabuting ehemplo sa lahat ng kapulisan sa pagpapanatili ng tamang timbang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas nitong ika-3 ng Disyembre na nakapagbawas siya ng 20 kgs sa pamamagitan ng pagsunod sa striktong diet at tamang ehersisyo.

PNP Chief Debold Sinas patuloy sa pagpapapayat
PNP Chief Debold Sinas (Photo credit: @General-SINAS-Supporters-113478360573598)
Source: Facebook

Ayon kay Sinas, bago pa man siya naluklok sa pinakamataas na posisyon sa PNP ay nakapagbawas na siya ng 35 lbs o apat na pulgada sa kanyang baywang.

Sinabi niya sa isang interview na bago niya nakamit ang tagumpay sa pagbabawas ay nagpakonsulta muna siya sa doktor at tinuruan siya kung ano ang dapat gawin. Ang “healthy living”, pagbabawas sa pag-inom, at pagkakaroon ng maayos na tulog raw ang ilan sa mga sekreto ng pagpapapayat.

Read also

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon

Nabanggit din niya na ang nabawas na timbang ay produkto ng halos apat na buwan ng pagsunod sa weight reduction program ng kanilang ahensya. Gusto rin niyang ipagpatuloy ito alinsunod sa DOH protocol.

Bago pa man siya ng naging PNP chief, layunin na talaga ni Sinas ang i-pursige ang mga kapulisan na alagaan ang kanilang mga katawan, lalo na ang pagpapanatili sa tamang timbang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaan na nag-viral si Sinas sa nakaraang buwan dahil sa kanyang plataporma. Ilang oras bago i-anunsyo ng Malacañang ang kanyang pagkatalaga sa pinakamataas na posisyon sa PNP ay pinangunahan pa niya ang pag-eehersisyo ng mga kapulisan sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ginamit pa niyang tugtog ang theme song ng anime na “Voltes V”.

Para kay Sinas, ang rason kung bakit pursigido siyang magpapayat ay upang magsilbing mabuting halimbawa sa kanyang nasasakupan.

Read also

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy

"On a personal note, I'd like to announce that when I established this program, I followed my program--diet and exercise and proper sleep. I have reduced 35 pounds - convert that to 17 kilos [and], would you believe, 4 inches in my waist,"
"And I will continue doing it to reduce further. Ibig sabihin, hindi po natin mamadaliin ang pagpapapayat. We do it gradually and healthily," sabi niya.

Ang fitness regime na ipinatupad ng mataas na opisyal ay nabuo sa tulong ng FitFil coaches na sina Jim at Toni Saret. Ito raw ay napakasimpleng gawin at kayang magawa kahit saang lugar.

Ang programa ay nakatakda sanang pumalit sa regular na community exercises na isinasagawa ng mga pulis sa simula ng linggo bago mag-pandemic.

Ilan sa mga aktibidad na kasama sa programa ay squats, scissors, marches, at hanggang sa umabot sa calisthenics.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

April Boy Regino, pumanaw na ayon sa kapatid na si Vingo Regino

Si Debold Sinas ay ang bagong PNP chief na itinalaga ng Pangulong Duterte nitong nakaraang buwan. Nauna siyang naging direktor ng Philippine National Police-Crime Laboratory bago naging regional director ng Police Regional Office 7. Noong nakaraang taon naman ay itinalaga siya bilang NCRPO chief.

Marami ang kumuwestiyon sa pagkakatalaga kay Sinas bilang PNP chief dahil sa pagkakasangkot sa mañanita isyu nang mag-celebrate siya ng kaarawan ilang buwan ang nakakaraan. Agad namang dinepensahan ni Sen. Bato dela Rosa ang kanyang pagkakaluklok.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel