Pinay sa Korea, masayang naglilingkod sa mga kababayang humihingi ng tulong

Pinay sa Korea, masayang naglilingkod sa mga kababayang humihingi ng tulong

- Nakaka-inspire ang kwento ng isang OFW sa South Korea na naging takbuhan na ng mga kababayan natin doon na nanghihingi ng tulong

- Nakapangasawa siya ng Korean kaya naman naging Korean citizen na rin siya

- Isa na rin siyang church leader sa Jeju Island na tumutulong sa mga kababayan nating naaapi o may matinding pagsubok na pinagdaraanan

- Wala siyang pinipiling tulungan at hangga't kaya niya, hindi siya magdadalawang isip na alalayan ito at gabayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang kwento ng isang Pinay sa Korea na nagsilbing takbuhan ng mga naaapi nating kababayan doon.

Nalaman ng KAMI na 2010 pa mula nang mapadpad sa South Korea si Cherin Kim kung saan nakapangasawa na rin siya roon ng Korean.

Multi-cultural Instructor na siya roon at isa na ring church leader kaya naman aktibo rin siya sa pagtulong sa mga kababayan nating naaapi o may matinding pinagdaraanan.

Read also

OFW, ipina-Tulfo ang ex-fiancée na di umano'y nang-ghost sa kanya

Pinay sa Korea, masayang naglilingkod sa mga kababayang humihingi ng tulong
Si Cherin kasama ang kanyang mister sa Korea. Photo from Cherin Kim
Source: UGC

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na kwento ni Cherin na naibahagi niya sa KAMI:

"Ako po si Cherin Kim. May 14 years old na anak na babae. 48 years old na ko ngayon.
I am from Camiguin Island, Philippines. Ako ay isang Multicultural Instructor dito representing Philippines since 2010 until now.
Actually hindi na ako OFW. Migrant ako dito sa Jeju Island. My husband is Korean kaya Korean citizen na ako.
Almost 18 years na ako dito sa Jeju. 2003 ako naka punta ng Jeju. Teacher ako sa Pinas pero hindi ako nag take ng board exam.
Nag-aaral din ako ng nursing at caregiver sa Pinas noong dalaga pa ako.
May 2 akong kapatid na babae at 2 kapatid na lalaki ako yong bunso.
Hindi ko alam kong bakit nakapag-decide ako ng mag-asawa ng Koreano. Namalayan ko nalang heto na ako.

Read also

Birthday girl, nagmistulang "wanted o missing" person dahil sa pagbati ng tropa

Since 2010 din nag-start na akong leader sa Catholic Church ng Jeju City.
Pinay sa Korea, masayang naglilingkod sa mga kababayang humihingi ng tulong
Ang church nina Cherin sa Jeju Island. Photo from Cherin Kim
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ako yong naging Church Leader ng Naomi Jeju catholic church at leader (Admin ng group ng Filipino eps association in Jeju.)
As a leader, kung sino-sinong lumalapit sa akin na humihingi ng tulong.
Agad 2x khit may trabaho ako tinatakbo ko yan at iniimbestigahan ko kung bakit .
Tapos pag nalalaman kong inaabuso na yung kababayan natin, yun tinutulungan namin kasama iyong mga officer sa center.
Hangga't kaya kong tumulong sa mga kababayan natin gumagawa talaga ako ng paraan para makatulong sa mga eps or migrants. Kahit sino na lumalapit sa akin."
Pinay sa Korea, masayang naglilingkod sa mga kababayang humihingi ng tulong
Ilan sa mga kapwa Pinoy na natulungan ni Cherin Photo from Cherin Kim
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vice Ganda, sinugod ang bahay ng Beks Battalion para sa isang house raid

Samantala, isa namang kababayan natin ang sinuwerte sa amo kaya naman nadala na rin niya sa trabaho ang kanyang kapatid. Dahil dito, naipagpatayo na rin niya ng bahay ang kanyang mga magulang.

Isa ring OFW ang kinakitaan naman ng pagiging madiskarte sa buhay kaya nakapagpundar ng travel and tours business na kanya raw payayabungin upang hindi na siya muling mangibang bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel