OFW, nanatiling positibo matapos na 'di mapasahod ng amo sa loob ng ilang buwan

OFW, nanatiling positibo matapos na 'di mapasahod ng amo sa loob ng ilang buwan

- Mas piniling maging positibo ng isang OFW sa kabila ng hindi pagbibigay agad sa kanya ng sahod ng amo

- Sa mga unang buwan niya'y naibibigay naman umano agad sa kanya ang kanyang sahod subalit dumating sa punto na hindi ito naibigay sa kanya

- Katwiran ng amo, kinailangan daw na magbukas ng bank account ng Pinay na hindi naman niya agad naasikaso

- Dinaan din ng OFW sa dasal ang lahat hanggang sa kinailangan na niya talaga ng malaking halaga dahil sa isang emergency sa Pilipinas at kinakailangan niyang magpadala ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang katatagan ng overseas Filipino worker na si Jean-Lou Valdez Veloz na kahit naranasang hindi pasahurin ng ilang buwan ng kanyang amo ay mas pinili pa ring maging positibo sa buhay.

Naikwento ni Jean sa KAMI na na noong mga unang buwan niya sa mag-asawa niyang amo sa Saudi ay buwanan naman siyang nabibigyan ng sahod.

OFW na nakatanggap ng alahas mula sa among mabait, pinili pa ring umuwi sa Pinas

Subalit nang malaman ng kanyang amo na hindi pinadadala ni Jean ang lahat ng sahod niya sa Pilipinas, pinagbubukas siya nito ng bank account.

OFW, nanatiling positibo matapos na 'di mapasahod ng amo sa loob ng ilang buwan

Ang naipong sahod ng OFW na hindi agad naibigay sa kanya ng kanyang amo. Photo: Jean-Lou Valdez Veloz
Source: Facebook

Dahil sa pandemya, hindi na ito naasikaso pa ni Jean lalo pa at mahirap na lumabas.

Ngunit nang sinabi niya ito sa kanyang amo, hindi raw siya nito pinayagan at sinabi pa nitong hindi siya maaring humawak ng malaking halaga ng pera at baka mawala lamang daw ito.

Hindi na nakapagsalita pa si Jean nang sabihin ng kanyang amo na ang kanyang sahod ay nakatago sa bank account nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dinaan na lamang ni Jean sa dasal ang lahat. Hanggang sa umabot ng ilang buwan at hindi na muling nahawakan pa ni Jean ang kanyang sahod.

Dumating ang Agosto ngayong taon at unti-unti nang pinasahod si Jean. Ngunit mahirap pa rin ang ganoong sistema dahil sa hindi pa rin niya makuha ng buo ang perang dapat ay nasa kanya na.

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon
"Itong November may problema sa Pinas kailangan ko ng malaki-laking perang maipadala. So sabi ng amo ko di daw niya kaya ganoon kalaki, kasi alam ko naman daw na may building siya at may pamilyang sinusuportahan samantalang pera ko naman yung hinihingi ko," pahayag ni Jean.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hinabaan pa rin ni Jean ang kanyang pasensya at nagbunga naman ito ng maganda.

Matapos na mag-usap ng mag-asawa niyang amo, napagkasunduan ng mga ito na pasahurin na siya ng regular, kada buwan.

"As OFW po dito sa Saudi, di po madali para sa akin bilang isang first timer. Di madali kapag inaatake ng homesick at di rin madali na mawalay sa anak at sa pamilya. Walang ibang malalapitan kundi si God lang. Always pray lang ginagawa ko na bigyan pa ako ni God ng strength at good health para makayanan ko ang trabaho araw-araw until I finish my contract," ang pagtatapos ni Jean.
Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang naibahagi ng KAMI, isa ring kababayan nating OFW ang nanatiling matatag at positibo sa kabila ng sobrang pagka-miss sa kanyang anak na sanggol pa lamang.

Kahit na mababait naman ang kanyang amo, desidido pa rin ang Pinay na umuwi na lang sa bansa upang siya na mismo ang mag-alaga at mag-aruga sa kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel