OFW na nakatanggap ng alahas mula sa among mabait, pinili pa ring umuwi sa Pinas

OFW na nakatanggap ng alahas mula sa among mabait, pinili pa ring umuwi sa Pinas

- Isa ang OFW na si Mary Joy Rivano sa mga masuswerteng kababayan natin na nakatagpo ng mabubuting amo

- Katunayan, binigyan pa umano siya ng amo ng alahas kaya naman labag din sa kalooban niya na iwan ang mga ito

- Sa kabila kasi ng mga gamit at kabutihang ipinakikita sa kanya sa Saudi ay nangungulila naman sa kanya ang kanyang anak kaya naman napagdesisyunan na niyang umuwi sa bansa matapos ang lang ang kanyang kontrata

- Katunayan, limang buwan na lang ang kanyang bubunuin at makakapiling na niya ang mga mahal sa buhay lalo na ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nangibabaw pa rin talaga ang pagmamahal sa anak ng OFW na si Mary Joy Rivano na sa kabila ng kabutihang ipinamamalas sa kanya ng kanyang amo sa Saudi Arabia ay napagdesisyunan na niyang umuwi pa rin ng Pilipinas.

Read also

Misis sa viral video na nagagawang saktan ang kanyang mister, ipina-Tulfo na

Nitong Setyembre, naibahagi ni May Joy ang alahas na bigay umano sa kanya ng kanyang mabait na amo.

Ayon pa sa kanyang caption "Hello guys flex ko lng HADIYA ng madam ko napakaswerte ko talaga sa kanila ang hirap nila iwan pero mas kailangan ako ng anak ko at asawa ko kaya konting tiis nalang 7 months countdown."

OFW na niregaluhan ng mabait na amo ng alahas, pinili pa ring umuwi sa Pinas para sa anak
Photo from Mary Joy Rivano
Source: UGC

Sa dami ng mga kwentong OFW na ating naririnig kung saan ang iba ay nakararanas pa ng pagmamaltrato ng amo, marami ang makapagsasabi na huwag na lamang sanang iwan ni Mary Joy ang kanyang mababait na amo.

Subalit mas mabigat ang kanyang dahilan kaya naman naghihintay na lamang siya ng ilang buwan at ito ay ibinahagi niya sa KAMI.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mary Joy:

Ako po si Mary Joy Rivano, tubong Marikina, isa po akong OFW ngayon dito sa Saudi Arabia.

Read also

Sorbetero na naka-long sleeves at necktie sa pagtitinda, hinangaan ng marami

First-timer lang din po ako 23 years old po ako nagpunta dito at nakipagsapalaran. May kasama po ako dito Pinay po. Siya po ang nagpasok sakin dito. Noong una po talaga nag-aalangan ako na umalis ng bansa. Kasi wala po talaga akong alam sa kahit ano saka takot din po ako.
Pero iniisip ko po na ito na yung blessings na binigay sakin ni Lord. Iniisip ko din na para sa pamilya ko, titiisin ko lahat kakayanin kahit mahirap. Panganay po kasi ako samin at maaga nakapag-asawa kaya hindi na po ako nakatulong sa mama. Kaya nung nakapag-abroad po ako sobrang saya ko po kasi kahit paano nakakatulong nako sa magulang ko at mga kapatid ko.
May isa po akong anak iniwan ko po sa mama ko kasi nagtrabaho po ang asawa ko nun pero itong pandemic nawalan po siya ng trabaho kaya pinauwi ko na po siya sa papa niya.

Read also

Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon

Sobrang nakakatuwa po talaga na naiibigay mo ang gusto ng anak mo na hindi mo naranasan nung bata ka pa ayun kasi ang ipinangako ko rin sa sarili ko na gusto ko kapag nagkaanak ako gusto ko mabigay kolahat ng pangangailangan niya para hindi siya magaya sakin.
Kaya talagang nagpursege din po talaga ako mag-abroad at ito na nga po sobrang swerte po ako sa amo ko at napakabait po ng pamilya nila. Nagpapasamalat ako kay Lord at hindi niya ako pinabayaan sa lahat ng bagay sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan ko.
Ngayon 7 months nalang po ako dito at nagdesisyon na hindi na po ako babalik sa kadahilanang mas kailangan ako ng anak ko. Sobrang hirap po pala ng malayo ka sa kanila.
Nandiyan yung time ba gusto mo na silang yakapin pero wala kang magawa. Pero alam ko naman lahat ng bagay na ito may dahilan kung bakit ako nakapunta dito sa abroad kaya yung mga kapwa ko po OFW, 'wag po kyo mawawalan palagi ng pag-asa.

Read also

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay ilang OFW din ang nagbahagi ng masasaya nilang kwento sa pangingibang bansa.

Isa na rito ang single mom na OFW din sa Saudi Arabia na nakapagpundar na ng sarili niyang travel and tours business sa loob lamang ng dalawang taon. Isa rin naman ang kababayan nating matapos na manilbihan sa ibang bansa ay nakapagpundar ng kanyang 'smarthouse' kung saan nasa iisang gusali lang ang kanyang tahanan at negosyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel