Tekla, naluha nang muling magbigay ng mensahe kay Michelle Bana-ag tungkol kay Baby Angelo

Tekla, naluha nang muling magbigay ng mensahe kay Michelle Bana-ag tungkol kay Baby Angelo

- Naging emosyonal si Super Tekla nang magbigay ito ng mensahe para sa dating partner niyang si Michelle Bana-ag

- Naluha lalo ang komedyante nang sabihin nitong hindi pa 100% na magaling si Baby Angelo na patuloy pa rin ang gamutan

- Masaya naman niyang inanunsyo na mapapasakanyang poder na ang panganay na anak na si Aira na inaayos na ang pagluwas mula sa probinsya

- Nagpasalamat muli si Tekla sa mga taong hindi siya iniwan sa panahong dumaan siya sa matinding pagsubok ng kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ni Super Tekla ang kanyang pagluha nang mahingan siya ng mensahe para sa kanyang dating kinakasama na si Michelle Bana-ag.

Nalaman ng KAMI na isang bahagi ng kanilang programa na 'The Boobay and Tekla Show' nitong Linggo, Nobyembre 29 ay natanong si Tekla ng Christmas gifts na ibibigay niya sa taong ipakikita ang larawan sa kanilang screen.

Read also

Viral na Korean na isinama ng vlogger sa Rizal, naluha sa pamimigay nila ng relief goods

Unang ipinakita ang kanyang panganay na anak na si Aira. Sinabi niyang bibigyan niya ito ng magandang cellphone sa pasko.

Tekla, naluha nang muling magbigay ng mensahe kay Michelle Bana-ag tungkol kay Baby Angelo
Photo: Superk Teklah Librada
Source: Facebook

Inanunsyo rin ni Tekla na inaayos na nila ang pagluwas ng anak mula sa probinsya dahil nagdesisyon na siyang kunin ito para masakama niya at siya na ang mangangalaga.

Sumunod naman na ipinakita ang kanyang ama na nais na niyang pagpapahingahin na sa trabaho kaya naman binibigyan na niya ito ng tulong pinansyal at hayop na maari na lamang nitong alagaan.

Ipinakita rin ang larawan ng kapatid ni Michelle na si Ashley na siyang pinagkatiwalaan niyang mangalaga kay Baby Angelo.

Nabanggit ni Tekla na siya ang nagbabayad ng inuupahang bahay nina Michelle kasama si Ashley bilang kapalit ng paghalili nito sa pangangalaga sa kanilang anak.

At nang ipakita na ang larawan ng dating live-in partner na si Michelle, hindi na naiwasang maging emosyonal ng komedyante.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Bilin niya sa dating kinakasama na alagaan ang kanilang anghel na hindi pa rin daw umano 100% na magaling mula sa karamdaman.

Todo pa rin naman daw si Tekla sa pagsuporta sa kanyang Baby Angelo kaya naman hiling niya kay Michelle na huwag na huwag itong pababayaan.

Sinamantala na rin ni Tekla ang pagkakataon para muling pasalamatan ang mga taong hindi siya iniwan sa panahong hinarap niya ang isang matinding pagsubok sa kanyang buhay.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa YouLoL YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagulantang ang publiko nang dumulog si Michelle Bana-ag, ang dating live-in partner ni Tekla sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang komedyante at paratangan ng kabastusang ginagawa umano nito sa kanya.

Tumagal ang kontrobersiya hanggang sa magdesisyon ang magkabilang panig na magkasundo na lamang sa sustento na para sa kanilang anak na si Baby Angelo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel