April Boy Regino, nag-iwan ng madamdaming mensahe para sa anak

April Boy Regino, nag-iwan ng madamdaming mensahe para sa anak

- Matapos ibahagi ni Charm Regino ang kanyang reaksiyon sa music video ng ama, tumugon si April Boy sa kanyang mensahe

- Tatlong linggo pa lamang ang nakakaraan nang ibahagi ng novelty singer ang kanyang mensahe para sa anak

- Pumanaw ang batikang mang-aawit ngayong araw ng Linggo sa edad na 59

- Base sa post ng asawa ni April Boy, Stage 5 chronic kidney disease at acute respiratory disease ang sakit ng mang-aawit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ibahagi ni Charm Regino ang kanyang reaction video sa music video ng ama, isang mensahe ang naging tugon ni April Boy tatlong linggo na ang nakakaraan. Pinasalamatan nito ang anak dahil sa pagpapasaya nito sa kanya sa kabila ng kanyang karamdaman.

April Boy Regino, nag-iwan ng madamdaming mensahe para sa anak

Photo from Idol April Boy Regino
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asawa ni April Boy Regino, napahagulgol sa pagpanaw ng asawa
Charm Regino, anak napakaganda ng ginawa mong video at sulat sa akin. Sobrang tuwa ng puso ko. Pinakita mo ang pagmamahal mo sa akin ay napakalaki. Napakasarap mong maging anak. Kasi pinipilit mo na mapasaya ako kahit na may dinaramdam ako. Maraming maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin ng mommy mo at sana huwag kang magbago dahil mahal na mahal na mahal ka din namin. Mag ingat ka diyan anak. God bless sa ating lahat.

Pumanaw ang batikang mang-aawit ngayong araw ng Linggo, November 29, 2020 sa edad na 59. Base sa ibinahaging Facebook post ng asawa ni April Boy na si Madel Regino, stage 5 chronic kidney disease at acute respiratory disease ang sakit ng iconic singer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si April Boy ang leader ng grupong April Boys trio, na nakilala at sumikat nang husto noong dekada 90. Ilan sa mga awiting sumikat ni April Boy ay “Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak na Puso” at “Ye Ye Vonnel”.

Mga nakatrabaho ni April Boy Regino, labis na ikinalungkot ang kanyang pagpanaw

Nag-migrate ang kanyang pamilya sa Las Vegas, Nevada, noong 2004. Maging si Willie Revillame ay naantig sa pinagdaanan ni April Boy at nagbahagi ng tulong para sa singer-songwriter matapos ilabas ang kwento ng kanyang buhay sa telebisyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel