Angel Locsin, ibinunyag na nabigyan ng trabaho ang ilang Kapamilya employees

Angel Locsin, ibinunyag na nabigyan ng trabaho ang ilang Kapamilya employees

- Nilinaw ni Angel Locsin na ang kanyang paggawa ng video sa YouTube ay kanyang paraan upang makatulong

- Ilan sa mga Kapamilya employees na nakasama sa retrenchment ang kanyang nabigyan ng trabaho

- Bukod dito ay nais nilang magkasintahang maiumulat ang publiko sa pagtulong sa kapwa at para mas marami pa ang ma-inspire na tumulong

- Ayon pa sa aktres, tumutulong siya bilang bahagi ng tungkulin niya bilang isang Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Angel Locsin sa pinakahinahangaan ng karamihan pagdating sa pagtulong at pagkawang-gawa. Kaya naman sa kanyang guesting sa ABS-CBN online talk show na We Rise Together nitong Biyernes, November 27, sinagot niya ang ilan sa mga katanungan hinggil sa kanyang adhikain.

“I’m just doing my part. Yun lang naman talaga yun,” sagot ni Angel sa tanong kung bakit niya ginagawa ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Mga damit na ibinigay bilang donasyon, hindi napakinabangan
Angel Locsin, ibinunyag na nabigyan ng trabaho ang ilang Kapamilya employees

Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage)
Source: Getty Images

“I'm sure lahat ng mga nandito ay ginawa rin naman nila yung part nila bilang isang Pilipino, bilang isang kapwa,” dagdag pa ng aktres na tinaguriang real-life Darna dahil sa kanyang walang kapagurang pagtulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi din ni Angel na ang pag-vlog ay kanilang naisipang pasukin para kahit papaano ay makapagbigay sila ng trabaho sa ilang mga Kapamilya employees na nawalan ng trabaho.

“Nagkaroon ng retrenchment sa ABS-CBN, inisip namin, ‘Bakit hindi tayo gumawa ng vlog para mabigyan natin ng trabaho yung mga nawalan ng trabaho, kahit paano ay makapag-provide tayo?So doon kami nagsimula,” pagbabahagi niya.

Naging layunin din nilang magkasintahan na maibahagi sa publiko ang pagtulong sa kapwa upang marami din ang maengganyong tumulong.

“Para magamit mo rin yung platform mo to raise awareness or makapag-give back din sa mga tao,” dagdag pa ni Angel.

Kim Chiu, ibinahagi ang kanyang pag-aayos sa kanyang 12-foot Christmas tree

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Bunsod nito, naglabas ng opisyal na pahayag ang DepEd upang humingi ng dispensa. Gayunpaman, inalmahan ng aktres ang inilabas na pahayag.

Nanaig sa aktres ang awa sa guro na iminungkahi ng ilang netizens na patanggalan ng lisensya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel