Bea Rose Santiago, ibinunyag na 5 beses nagda-dialysis sa isang linggo

Bea Rose Santiago, ibinunyag na 5 beses nagda-dialysis sa isang linggo

- Ibinunyag ng dating beauty queen na si Bea Rose Santiago na limang beses siyang sumasailalim sa dialysis sa isang linggo

- Matatandaang nauna na niyang ibinahagi ang pagkakaroon niya ng sakit sa kidney

- Sa kabila ng kanyang kinakaharap na suliranin sa kanyang kalusugan, nanatiling positibo ang pananaw niya sa buhay

- Mahihinto lamang ang dialysis treatment kay Bea Rose kapag sumailalim na siya sa kidney transplant procedure

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang social media account ay ibinahagi ng dating beaity queen na si Bea Rose Santiago na limang beses siyang sumasailalim sa dialysis sa isang linggo.

Matatandaang nauna na niyang ibinahagi ang pagkakaroon niya ng sakit sa kidney. Mahihinto lamang ang dialysis treatment kay Bea Rose kapag sumailalim na siya sa kidney transplant procedure.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

April Boy Regino, nag-iwan ng madamdaming mensahe para sa anak

Sa kanyang social media post, ibinahagi niyang nahihirapan siya sa kanyang protein intake at mababa ang kanyang phosphate at hemoglobin.

Iniiwasan niya ang gatas ng baka at maging ang itlog.

"My Doctors and nutritionist recommended many vegan options but after 2months I am now a pescatarian on the weekends and vegetarian on weekdays. I dont consume cow’s milk and eggs but I do love oats milk and goat’s cheese."
Photo from Bea Rose Santiago ()
Bea Rose Santiago (@bea.santiago)
Source: Instagram

"I need weekly Aranesp and Iron shots to help me since I dialyze 5x a week and each time is 8 hrs while I sleep. Works like magic.I love being plant based and right now Im gonna slowly transition AGAIN! Only problem is IM A LAZY COOK and a dialysis patient."

Matatandaang ibinahagi ni Bea na siya ay nadiagnose sa sakit na chronic kidney disease. Dahil dito, kailangan niyang maoperahan kaagad ngunit naudlot ang kanyang operasyon bunsod ng pandemya.

Read also

Kris Bernal, opisyal nang lumipat sa Cornerstone Entertainment Inc.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Bea Rose Monterde Santiago ay isang modelo at beauty queenna kinoronahan o tinanghal bilang Miss International 2013 noong December 17, 2013. Siya din ang naging Mutya ng Pilipinas 2011 bago pa man manalo sa Binibining Pilipinas.

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya ang dating beauty queen matapos nilang ihayag ang kanilang saloobin matapos manalo ng best in swimsuit ni Catriona Gray.

Noong 2018 ay ibinahagi niyang kailangan niyang sumailalim sa transplant para sa kanyang kidney.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel