Mga nakatrabaho ni April Boy Regino, labis na ikinalungkot ang kanyang pagpanaw

Mga nakatrabaho ni April Boy Regino, labis na ikinalungkot ang kanyang pagpanaw

- Kasunod ng paglabas ng balita tungkol sa pagpanaw ni April Boy Regino, bumuhos ang pakikiramay sa naulilang pamilya

- Maging ang kasamahan ng novelty singer sa showbiz ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay at pagkalungkot tungkol sa pagpanaw nito

- Nakilala si April Boy bilang isang singer-songwriter na sumikat noong Dekada 90

- Ilan sa mga pinasikat na awitin ni April Boy ay 'Di ko Kayang Tanggapin, Esperanza, Sana'y Laging Makapiling at marami pang iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang malungkot na balita ang lumabas ngayong araw ng Linggo, November 29, 2020. Namaalam na ang batikang mang-aawit na si April Boy Regino.

Kasunod nito ay ang pagbuhos ng mensahe ng pagpupugay at pakikiramay mula sa mga taong nakatrabaho ni April Boy sa showbiz.

Mga nakatrabaho ni April Boy Regino, labis na ikinalungkot ang kanyang pagpanaw

Photo from Idol April Boy Regino
Source: Facebook

Isa na si Gary Valenciano sa naghayag ng kanyang saloobin hinggi sa pagpanaw ng novelty singer.

April Boy Regino, pumanaw na ayon sa kapatid na si Vingo Regino
He was always a man who was very humble even when he was on top of his game. He always wanted to make his fans happy. I’m so sorry to hear about this. God bless the April Boy Regino’s family

Maging si Arnel Pineda ay nagpahayag ng kanyang pakikiramay.

Rest In Eternal Peace #AprilBoyRegino #OPMicon ..my condolences to your dearest family, friends and fans

Ang mang-aawit na si Jaya ay masaya na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang novelty singer.

May you rest in God’s peace April Boy Regino. Glad to have worked with you the beginning of the year. Condolences to the family.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos mapagtagumpayan ang laban sa cancer, malaki ang pasasalamat niya sa asawang si Madel. Ayon sa isang pahayag ni Madel na inulat ng Inquirer.net noong 2011, nakaranas ng depresyon ang asawa matapos malaman ang tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit.

Cesar Montano, inamin ang pagkakaroon ng anak kay Sandra Seifert

Sa isang ulat ng ABS-CBN news, na diagnose ang mang-aawit ng diabetes na naging sanhi ng unti-unting pagkawala ng kanyang paningin. Gayunpaman, dahil sa tuloy-tuloy na pagpapagamot ay naibalik ng paunti-unti sa normal ang kanyang paningin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si April Boy ang leader ng grupong April Boys trio, na nakilala at sumikat nang husto noong dekada 90. Ilan sa mga awiting sumikat ni April Boy ay “Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak na Puso” at “Ye Ye Vonnel”. Nag-migrate ang kanyang pamilya sa Las Vegas, Nevada, noong 2004.

Maging si Willie Revillame ay naantig sa pinagdaanan ni April Boy at nagbahagi ng tulong para sa singer-songwriter matapos ilabas ang kwento ng kanyang buhay sa telebisyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel