Kris Bernal, opisyal nang lumipat sa Cornerstone Entertainment Inc.

Kris Bernal, opisyal nang lumipat sa Cornerstone Entertainment Inc.

- Opisyal nang lumipat sa Cornerstone Entertainment Inc. ang dating Kapuso star na si Kris Bernal

- Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya

- Naniniwala ang aktres na tama ang kanyang desisyon at masaya siyang lumipat sa talent agency na nangangalaga sa career ng ilang Kapamilya stars

- Ilan sa Kapamilya stars na makakasama niya sa Cornerstone ay sina Catriona Gray, Erik Santos, Moira dela Torre, Sam Milby at marami pang iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang lumipat sa Cornerstone Entertainment Inc. si Kris Bernal na nakilala at unang sumikat bilang isang Kapuso star.

Matapos lisanin ang GMA Artist Center, napili ni Kris ang Cornerstone Entertainment Inc para mamahala sa kanyang career.

Mapapanood din siya sa ilang mga shows sa TV5 kagaya ng Ate ng Ate Ko at nag-guest na rin siya sa Sunday Noontime Live (SNL).

Kathryn Bernardo, ipinasilip ang kanyang kitchen na kakatapos lang i-renovate
Kris Bernal, opisyal nang lumipat sa Cornerstone Entertainment Inc.

Photo from Kris Bernal (@krisbernal)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram Story ngayong araw, November 28, 2020, ibinahagi ni Kris ang kanyang litrato kung saan naka-tag ang nasabing talent agency.

Pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kanya gayundin ang mga pagbati sa kanyang paglipat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masaya umano siya sa at naniniwala siyang tama ang kanyang naging desisyon na lumipat sa Cornerstone.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay nakilala rin sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.

Bukod sa kanyang matagumpay na negosyo, hilig din ni Kris ibahagi ang kanyang workout routines sa kanyang social media account. Marami ang humahanga sa kanyang pagiging masigasig sa pagwo-workout upang makamit ang kanyang #bodygoals.

Rocco Nacino, hindi napigilang maiyak sa kanyang engagement sa nobya

Gayunpaman, ilang beses nang nakaranas ng body-shaming ang aktres dahil sa kanyang pagpapapayat. Kaya naman, nagbahagi siya ng mensahe para sa mga kagaya niyang nahahamak sa social media dahil sa kanyang katawan.

Matatandaang naging emosyonal ang aktres dahil sa mga hindi kaaya-ayang komento ng mga netizens kaugnay sa kanyang pagpapapayat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel