Kathryn Bernardo, ipinasilip ang kanyang kitchen na kakatapos lang i-renovate

Kathryn Bernardo, ipinasilip ang kanyang kitchen na kakatapos lang i-renovate

- Isang kitchen tour ang ibinahagi ni Kathryn Bernardo para sa kanyang mga YouTube subscribers

- Ito ay para mapagbigyan ang mga hiling ng kanyang mga fans na mag-house tour siya

- Isinama niya sa nasabing video ang isang bihasa sa pagsasaayos ng mga gamit sa loob ng bahay

- Nagbahagi din si Kathryn ng mga tips kung paano mapanatiling maayos at malinis ang bahagi ng bahay lalo na ang kusina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para mapagbigyan ang mga followers na humihiling na mag-house tour si Kathryn Bernardo, napagpasyahan niyang ibahagi ang kanyang kitchen na kakatapos lang ma-renovate sa tulong ng kanyang design team at ni Ms. Issa ng Neat Obsessions.

Kapansin-pansin sa kanyang kusina ang maraming gamit sa pagluluto lalo na sa pag-bake na isa sa pinakakinahihiligan ng aktres.

Sa isang bahagi ng kanyang mga drawers ay makikita ang maraming tumblers. Paliwanag niya, mahilig siya sa tumblers dahil kailangan niya iyon kapag siya ay nasa trabaho.

Read also

Anak ni Neri Naig at Chito Miranda na si Miggy, nagdiwang ng kanyang ika-4 na kaarawan

Kathryn Bernardo, ipinasilip ang kanyang kitchen na kakatapos lang i-renovate
Photo from Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Pagbubuking ni Ms. Issa, mas marami pa ang mga tumblers na iyon bago pa nila inayos ang mga ito.

Nagbahagi din si Kath ng kanyang mga organizing tips para sa kanyang viewers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang bumilib sa pagiging masinop ni Kath sa kanyang bahay:

I super love Kathryn's vlogs because it isn't just showcase her personality, it also gives learnings to the viewers---just like tidying our kitchen. Looking forward to learn more from Everyday Kath!
Kath is the kind of vlogger na yung content nya is very informative and kitang kita na nag mamaintain nya yung privacy niya but at the same time she is sharing her life.
One of my reson why I love kath , yung may matutunan ka talaga sa mga Vlog niya. Adulting feels. Thank you for this Kath, You give me an Idea How to be organize in our Kitchen.

Read also

John Lloyd Cruz, ipinaliwanag ang dahilan sa desisyong magpahinga sa showbiz

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Kathryn Bernardo ay unang nakilala nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng It Might Be You. Gumanap din siya bilang si Maya sa seryeng Super Inggo kung saan pinareha siya kay Makisig Morales.

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Kathryn ang kanyang pag-aayos ng kanyang Christmas Tree sa tulong ng event stylist na si Gideon Hermosa.

Samantala, humakot ng parangal ang aktres kasama ang katambal niya sa Hello Love, Goodbye na si Alden Richards sa 2020 Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel