Viral na Korean na isinama ng vlogger sa Rizal, naluha sa pamimigay nila ng relief goods

Viral na Korean na isinama ng vlogger sa Rizal, naluha sa pamimigay nila ng relief goods

- Hindi napigilang maging emosyonal ng viral na Korean nang mamahagi sila ng relief good sa Rizal kasama ang vlogger na si Basel Manadil

- Mula nang tulungan ni Basel o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ang Korean vendor na si Chang Sam Hyum, madalas na niya itong makasama

- Kaya naman nang mamahagi si Basel ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses ay isinama na rin niya ang Korean na tinatawag na rin niyang Abeoji na ibig sabihin ay ama

- Matatandaang sa pagre-repack pa lang ng mga relief goods ay tumulong na rin ang Korean na masayang nakatulong sa mga Pilipinong labis na nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiyak talaga si Chang Sam Hyum, ang viral na Korean vendor na isinama ng vlogger na si Basel Manadil sa pamamahagi niya ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Montalban, Rizal.

Lee Nadela ng Slapshock, naglabas ng pahayag kaugnay sa pagkamatay ni Jamir Garcia

Nalaman ng KAMI na mula nang tulungan ni Basel o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ang Korean, madalas na niya itong kasama.

Kaya naman nang sumadya si Basel sa Montalban ay kasama rin niya ito na tinatawag na niyang "Abeoji" na ang ibig sabihin ay ama sa Korean.

Viral na Korean na isinama ng vlogger sa Rizal, naluha sa pamimigay nila ng relief goods

Vlogger Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Facebook

Nang dumating sa Rizal, nagtaka agad ang Korean kung bakit nakatambak pa ang mga ipamamahaging pagkain gayung marami na raw ang nagugutom.

Ipinaliwanag ng mga naatasan sa pamamahagi ng relief na by batch ang kanilang pamimigay upang maiwasan ang dagsa ng tao.

Kaya naman sumadya na sa isang barangay sina Basel upang direktang maipamahagi ang kanilang tulong.

Nang makita ng Korean ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Montalban, naluha talaga ito at hindi niya napigilang maging emosyonal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Many people hungry, me cry cry," ang nasabi ng Korean kaya naman hindi na nila pinatagal pa at nagsimula na silang mamahagi.

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Dahil sa kinulang ang kanilang mga dala, pinaplano na nila ang pagbalik upang makapagbigay muli.

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" ay sikat na vlogger sa bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.

Katunayan, marunong na siyang mag-Tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Kamakailan ay natuwa ang marami nang mamili siya ng mga relief goods at sinamahan niya ito ng ilang mamahaling de lata para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Cagayan, Isabela, Rizal at Marikina.

Isa rin sa mga natulungan niya ay ang 76-anyos na Korean vendor ng noodles na nag-viral. Itinuring na niya itong ama na kasa-kasama niya habang hindi pa ito nakababalik sa kanilang bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel