Lee Nadela ng Slapshock, naglabas ng pahayag kaugnay sa pagkamatay ni Jamir Garcia

Lee Nadela ng Slapshock, naglabas ng pahayag kaugnay sa pagkamatay ni Jamir Garcia

- Ilang araw matapos na pumanaw ang frontman ng Pinoy heavy metal band na Slapshock, naglabas na ng pahayag ang isa sa kanilang miyembro na si Lee Nadela

- Ito ay matapos ding mag-Facebook live ng partner ni Jamir na si Sojina-Jaya Crisostomo na naglabas ng hinanakit sa ilang tao

- Matapang na sinagot ni Lee ang sinasabing mga paratang sa kanya at isa pang miyembro ng banda na si Jerry Basco at sinabing sasagutin naman nila ang lahat na may kaukulang ebidensya

- Sa ngayon, sila rin ay nalulungkot sa pagkawala ng frontman ng kanilang banda at nirerespeto nila ang pagpanaw nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng pahayag ang isa sa mga miyembro ng ng Slapshock na si Lee Nadela kaugnay ng biglaang pagpanaw ng kanilang frontman na si Vladimir "Jamir" Garcia noong Nobyembre 26.

Misis, kinasuhan ang mister na 'nakitulog' sa babae isang linggo matapos ikasal

Nalaman ng KAMI na malalim at mabibigat na salita ang nabitawan ni Lee sa kanyang social media post at maging siya ay nagluluksa sa biglaang pagkamatay ng kanilang bokalista.

Sa naturang post, matapang na sinagot ni Lee ang sinasabing mga paratang di umano sa kanila ng live-in partner ni Jamir na si Sojina-Jaya Crisostomo na nag-Facebook live noong Nobyembre 27.

Lee Nadela ng Slapshock, naglabas ng pahayag kaugnay sa pagkamatay ni Jamir Garcia

Slapshock at Point Pleasant Beach, New Jersey. (2017) Photo from Lee Nadela
Source: Facebook

Sa paglalabas ng hinanakit ni Jaya, nabanggit nito ang ilang taong di man niya pinangalanan ay naging sanhi di umano ng dinanas na matinding pagsubok ni Jamir bago nito piliing tapusin ang sariling buhay.

"Hindi niya lang po talaga matanggap yung mga taong minahal niya kayang gumawa sa kanya ng ganun. Alam niyo kung sino kayo. Mahal na mahal kayo ni Jamir pero anong ginawa niyo sa kanya?"

Di man nabanggit ang pangalan ni Lee subalit sinabi niya sa kanyang post na walang basehan ang mga akusasyong ibinabato di umano sa kanila ng live-in partner ni Jamir.

Larawan nina Jamir ng 'Slapshock' at Chester ng 'Linkin Park' na magkasama, muling nag-viral

"Regarding Jaya’s Facebook video post yesterday, please don’t accuse me and Jerry Basco of wrongdoing, when we were just speaking out the truth and the injustice done to us."

"Huwag mo sanang gawing galit ang lungkot na nararamdaman nating lahat, at ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin dahil wala naman talagang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit nagawa ni Jamir yun."

"Jaya, ang mga binitiwan mong salita against us ay walang basehan, either tinatago mo ang katotohanan or wala kang alam at all sa nangyari sa band namin," ang pahayag ni Lee sa kanyang Facebook post ngayong Nobyembre 28.

Nangako naman si Lee na maglalabas pa sila ng karagdagang pahayag subalit sa ngayon, bilang respeto kay Jamir at sa pamilya nito, sila man ay nagluluksa rin at nakikiramay.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagong commercial ng RC Cola, ikinagulat ng maraming netizens

Si Vladimir "Jamir" Garcia ay ang bokalista ng Pinoy heavy metal band na Slapshock kung saan kasama niya si Lee Nadela na bahista ng grupo, Chi Evora, Lean Ansing, at Jerry Basco.

Nito lamang Oktubre, kinumpirma ni Lee ang pagkaka-disband ng grupo dala ng ilang hindi pagkakaunawaan.

Nobyembre 26 ng umaga nang matagpuang wala nang buhay si Jamir sa kanilang tahanan.

Agad namang nagbigay ng mensahe ang live-in partner ni Jamir na labis na naghihinanakit at naghihinagpis sa biglaang pagkawala nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel