Dating Goin' Bulilit star na si Trina "Hopia" Legaspi, engaged na

Dating Goin' Bulilit star na si Trina "Hopia" Legaspi, engaged na

- Ibinahagi ng dating 'Goin' Bulilit' cast na si Trina "Hopia" Legaspi ang tungkol sa kanyang engagement

- Ilang litrato ang kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook at Instagram accounts

- Makikita sa mga litrato na hindi napigilang maging emosyonal ng dating child star

- Bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan ni Trina sa showbiz pati na ang dating mga kasamahan sa Goin' Bulilit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Engaged na ang dating Goin' Bulilit star na si Trina Legaspi na mas kilala sa tawag na "Hopia." Sa kanyang social media post, ilang litrato na kuha sa pagpropose ng kanyang boyfriend ang kanyang ibinahagi.

Kalakip ng mga litrato kung saan makikita na siya ay naging emosyonal, isang madamdaming mensahe ang kanyang ibinahagi.

Photo from Trina "Hopia" Legaspi (@trinahopia)
Dating Goin' Bulilit star na si Trina "Hopia" Legaspi, engaged na
Source: Facebook

Base sa kanyang caption, anim na taon nang magkarelasyon si Trina at ang boyfriend nito. Ibinahagi niya rin ang kanyang excitement na ikasal sa kanyang 'first and only love.'

Read also

Elha Nympha at Brian Gazmen, hiwalay na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

11/22/20 6 years together and forever!! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! ✈️ Yey!! Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! I’ll share with you guys our proposal story soon. Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!!

Si Katrina Legaspi ay isa sa mga child star na sumikat sa youth oriented show na Goin' Bulilit kung saan kasabayan niya sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Noong 2016 ay muli siyang nagbalik sa pag-aartista matapos niyang lisanin ang mundo ng showbiz upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos siya sa kursong Communication Arts sa Miriam College.

Read also

Kris Bernal, opisyal nang lumipat sa Cornerstone Entertainment Inc.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang dating kasamahan niya sa Goin' Bulilit na si Carlo Barrameda ay ikinasal na rin. Maging ang ilang cast ng youth oriented show ay iba-iba na ang tinahak na career. Karamihan sa kanila ay mga binata at dalaga na at nagkaroon na rin ng mga karelasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel