Food delivery rider, 'di makapaniwala sa kabaitan ng customer na ipinamigay ang mga order

Food delivery rider, 'di makapaniwala sa kabaitan ng customer na ipinamigay ang mga order

- Viral ang post ng food delivery rider na si Mark Berdan tungkol sa kabaitan kanyang naging customer

- Nagulat umano si Mark sa customer dahil hindi na nito pinahatid ang mga in-order nitong burger sa kanilang tahanan at pinakiusapan si Mark na ipamigay ito sa mga madadaanang nagugutom

- Inakala ni Mark noong una na baka prank lamang ito at baka mareklamo pa siya ng customer kung hindi ito ihahatid sa kanila

- Ngunit nagpumilit ang di nagpakilalang customer na lagi pa lang gumagawa ng ganitong kabutihan sa kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng food delivery rider na si Mark Berdan tungkol sa kabutihang ipinagawa sa kanya ng isang customer.

Nalaman ng KAMI na ide-deliver na sana ni Mark ang order nang sabihin ng di pinangalanang customer na hindi para sa kanya ang mga hamburger na kanyang ipinabili.

Read also

Raquel Pempengco, naglabas muli ng ebidensyang taliwas sa mga paratang ng ina

Halos hindi makapaniwala si Mark nang sabihin ng customer na ipamigay sa mga taong nagugutom sa kalsada ang mga burger at ang ilan sa mga ito ay maari ring i-uwi ni Mark sa kanyang pamilya.

Food delivery rider, 'di makapaniwala sa kabaitan ng customer na nagpamigay ng mga pagkain
Food delivery rider na namahagi ng 30 na burger sa mga nagugutom Photo: Markgianlyn M Berdan
Source: Facebook

"Yes kuya, ipamigay mo diyan sa kalsada yan 30 pieces sa mga nagugutom, tapos yang 5 pieces iuwi mo sa inyo," paliwanag ng customer.

Makailang ulit pa ni Mark na tinanong ang customer kung totoo ba ang pinagagawa nito. Segurista rin ang rider at sinabing ihahatid niya pa rin ito sa address ng customer at baka siya ay mai-reklamo.

"Hindi kuya, ginagawa ko na yan lagi," pagpupumilit ng customer kaya naman nagsimula nang mamigay ang rider sa mga nadadananang alam niyang kumakalam na ang mga sikmura.

Bilang ebidensya, kinuhanan niya ng larawan ang bawat taong kanyang binibigyan.

Ngunit muli na namang humanga ang rider nang sabihin ng customer na hindi na niya kailangan pang magpadala ng mga larawan bilang ebidensya ng pamimigay.

Read also

4 na tumawid ng ilog sa Laguna para maghatid ng modules, natagpuang mga bangkay na

"Kuya Mark, ok na po, hindi mo na kailangan mag-picture. I trust you naman po. salamat," ayon sa customer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Markgianlyn M Berdan:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang food delivery services sa patok na hanapbuhay ngayong panahon ng pandemya kaya naman marami-rami na rin tayong kwentong nabalitaan tungkol sa mga araw-araw na nararansan ng mga food delivery riders.

Tulad ng naunang naiulat ng KAMI na rider na naisisingit ang kanyang pagdalo ng online classes sa kanyang paghahanapbuhay.

Nag-viral din kamakailan ang isang delivery rider na dala ng matinding gutom ay kumain na lamang sa gilid ng kalsada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel