Raquel Pempengco, naglabas muli ng ebidensyang taliwas sa mga paratang ng ina

Raquel Pempengco, naglabas muli ng ebidensyang taliwas sa mga paratang ng ina

- Ibinahagi ni Raquel Pempengco, ina ni Jake Zyrus ang video ni Tess Pineda, ang kanyang ina na masayang nagbi-videoke sa kanilang tahanan

- Ito raw ay kuha dalawang linggo bago it umalis sa kanyang poder na apat na beses na raw nitong ginagawa

- Ang video ay naibahagi ilang araw bago magkaroon ng komprontasyon ang mag-ina sa programa ni Raffy Tulfo

- Nagbahagi rin ng isang text message si Raquel ng isa sa mga nakakakilala sa kanilang mag-ina noong kabataan pa niya at nasaksihan daw umano nito ang pananakit sa kanya ng kanyang Nanay Tess

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nagbi-videoke ang lola ni Jake Zyrus sa ibinahaging video ni Raquel Pempengco na kuha raw dalawang linggo bago ito maglayas.

Nalaman ng KAMI na noong Nobyembre 23, sa episode ng 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo nagkaharap sina Raquel at ina nitong si Tess Pineda.

Read also

Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

Ito ay matapos na humingi ng tulong si Pineda sa programa dahil sa mga akusasyon nito kay Raquel na hindi raw maganda di umano ang pagtrato sa kanya.

Raquel Pempengco, ibinahagi ang video ng ina bago raw ito maglayas sa kanila
Si Tess Pineda na masayang nagbi-videoke sa tahanan ng anak na si Raquel Pempengco Photo: Racky Relucio Pempengco
Source: Facebook

Sa Facebook ni Raquel, makikita ang ilan sa mga bagay di umano na magpapatunay na walang katotohanan ang paratang ng kanyang ina sa kanya.

Isa na nga rito ang naturang video kung saan masayang kumakanta pa sa videoke ang ina habang may kaunting kasiyahan sa kanilang tahanan.

"'Yan po nanay ko nkaraang 2weeks lng bago ulit xa naglayas...kung gaano xa kasaya d2,"

"Sa kinasamaang palad naglayas ulit. Pang apat na beses ng babalik at laging naglalayas kapag wala n nmang pera sa pinupuntahan nya ..babalik ulit sa akin," paliwanag ni Raquel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinatanggap naman niya ang ina sa tuwing bumabalik muli ito sa kanya tulad na rin ng nasabi niya sa programa ni Tulfo na wala namang problema kung ibabalik sa kanyang poder ang ina.

Read also

Lola ni Jake Zyrus, naglabas ng saloobin at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Sa isa pang post ni Raquel, isang nagpakilalang si "Ronald" ang nagsabing siya ay mismo ay nakasaksi kung paano manakit si Pineda kay Raquel noong kabataan pa nito.

"BIG REVELATION...ngayon nyo itanong kung tunay ko ngang INA ang kinalakihan kong NANAY?"

"Hinde lng po iyan ang naransan ko...marami na akong sakripisyo pero kahit ganun naging masunurin pa rin ako," ang ilan sa mga nabanggit ni Raquel sa naturang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raquel Pempengco ang ina ng kilalang singer sa bansa na si Jake Zyrus. Si Jake ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco na gumawa rin ng pangalan sa international music scene.

Katunayan, naging bahagi pa siya ng Glee Musical kung saan gumanap siya bilang si "Sunshine Corazon."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel