Boyfriend ni Kiray Celis, nag-viral dahil sa nakakakilig na grad photos

Boyfriend ni Kiray Celis, nag-viral dahil sa nakakakilig na grad photos

- Mabilis na nag-viral ang mga graduation pictures ng boyfriend ni Kiray Celis dahil sa nakakakilig nitong mensahe

- Proud naman ang aktres sa bagong achievement ng kanyang nobyo at sobrang saya raw niya para rito

- Maraming netizens ang kinilig sa naturang post na nagpapatunay lamang ng labis na pagmamahalan ng dalawa sa isa't isa

- Nito lamang nakaraang taon 2019 nang kumpirmahin ng aktres ang relasyon nila ng nobyo at habang tumatagal, lalong tumatatag ang kanilang pagsasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang "napa-sana all" nang makita ang graduation pictures ng boyfriend ni Kiray Celis na si Stephan Estopia.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng isang Instagram post, ipinakita ng Kapuso actress ang grad photos ng nobyo na may hawak itong mensahe na "Kiray lang sakalam" ("Kiray lang malakas!") at ang isa naman ay "Mahal na mahal kita Johan Ismael Celis" na buong pangalan ni Kiray.

4 na tumawid ng ilog sa Laguna para maghatid ng modules, natagpuang mga bangkay na
Boyfriend ni Kiray Celis, nag-viral dahil sa nakakakilig na grad photos

Super proud ni Kiray sa nobyo na nakapagtapos na sa kolehiyo Photo: Kiray Celis
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mababakas sa larawan na super proud si Stephan sa nobya na sa dinami-rami ng gagawing mensahe para sa grad pic, wala na siyang ibang pakulo kundi ang pagmamahal niya kay Kiray.

Samantala, nabanggit din ni Kiray na ipinagmamalaki niya ang achievement na ito ng kanyang nobyo na masasabi niyang bonus na lamang na siya ang ginawa nitong inspirasyon.

Talagang kinilig ang mga netizens sa viral post na ito na mayroon nang 71,438 na likes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kiray Celis ay nag-umpisa sa showbiz bilang isang Kapamilya dahil sa programa nito sa ABS-CBN na 'Goin' Bulilit.' Kalaunan, naging Kapuso naman siya at ang kasalukuyan niyang proyekto sa GMA ay ang 'Owe my Love.'

Sa naunang ulat ng KAMI, tinuldukan na ni Kiray ang mga bali-balitang nagli-live-in na sila umano ng nobyong si Stephan. Sinabi niyang sa kabilang kanto ng kanilang kalye ang kinaroroonan ng bahay ng nobyo kaya madalas na makita itong nasa bahay ng actress na aktibo rin sa TikTok.

Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

Minsan na ring gumawa ng ingay si Kiray kamakailan dahil sa pagsagot nito sa mga bashers na lakas-loob na pinuna ang kanyang pananamit sa social media. Ayon kay Kiray, maging ang boyfriend niya ay suportado siya sa kanyang ginagawa. Katunayan, madalas pa raw itong maunang mag-like sa kanyang mga larawan na naibabahagi sa anumang social media platforms.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel