Punong barangay sa Cagayan, di kinukuha ang sahod na nagamit sa pagtulong sa mga binaha

Punong barangay sa Cagayan, di kinukuha ang sahod na nagamit sa pagtulong sa mga binaha

- Hinangaan ang isang barangay captain sa Cagayan dahil hindi pala nito kinukuha ang kanyang sahod na siyang nagamit ngayon sa pagtulong sa kanyang mga ka-barrio

- Mismong ang mga residente na rin ng kanilang barangay ang nagkikwento ng kabutihan ng kanilang punong barangay na mula nang maupo ay hindi na kinuha ang sahod

- Napakalaking bagay daw tuloy nito ngayon dahil may nagamit ang kanilang lugar sa pagtulong sa mga binaha

- Isang retiradong sundalo pala ang punong barangay kaya naman sanay na talaga siya sa pagtulong sa ating mga kababayan lalo na ang labis na nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post na ibinahagi ni Reymar Desiderio tungkol umano sa isang punong barangay sa Baggao, Cagayan na hindi kinuha ang kanyang sahod na siyang nagamit ng kanilang lugar upang makatulong sa mga binaha.

Read also

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

Nalaman ng KAMI na mula nang maupo si Barangay Captain Gilbert Respicio ay hindi na raw nito kinuha ang kanyang sahod bilang kapitan.

Kinumpirma ito ng kanyang mga kabarangay na labis siyang pinasasalamatan sa kabutihan ng kanilang pinuno sa kanila.

Punong barangay sa Cagayan, di kinukuha ang sahod na nagamit sa pagtulong sa mga binaha
Philippine Peso Photo: Getty Images
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa sa post ni Reymar, ang naipong sahod ng kapitan na umabot sa mahigit isang daang libong piso ay siyang nagamit sa relief operations sa kanilang lugar.

Isa kasi ang kanilang barangay sa nalubog sa baha ng kasagsagan ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 12.

Maging ang iba pang pangangailangan ng kanilang barangay ay agad niyang natutugunan dahil nagmistulang karagdagang pondo na ang sahod ng kapitan na nagawa pa rin niyang ibahagi sa kapwa.

Sa pagtatanong din umano ni Reymar, napag-alamang isa palang retiradong sundalo ang barangay captain kaya naman ganoon na lamang ang pagmamahal at pagmamalasakit niya lalo na sa mga nasasakupan.

Read also

Vice Ganda at PA na si Erna, ginaya ang ilang eksena sa mga lumang pelikula

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Barangay Captain Respicio, hinangaan din noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses sa bansa ang alkalde ng Marikina. Namataan siyang nasa ulanan habang rumoronda kahit lubog sa baha makumusta lamang ang kanyang mga kababayan.

Matatandaan kasing isa rin ang nasabing lungsod na nakaranas ng labis na pagbaha na talagang nalubog ang mga kabahayan at talagang maraming mga ari-arian ang napinsala.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang alkalde ng Makati na nagpadala ng karagdagang rescue operation team upang mapadali ang paglikas sa mga tao sa Marikina na nalubog sa baha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel