4 na tumawid ng ilog sa Laguna para maghatid ng modules, natagpuang mga bangkay na

4 na tumawid ng ilog sa Laguna para maghatid ng modules, natagpuang mga bangkay na

- Bangkay na nang matagpuan ang apat na maghahatid lang sana ng learning modules at kinailangang tumawid ng ilog

- Sa apat na ito, tatlo sa kanila'y mga menor de edad, 15-anyos, 13-anyos, at isang anim na taong gulang na inaalam pa kung bakit kasama sa pamimigay

- Iniimbestigahan pa ang pangyayari na pinaniniwalaang pagkalunod ang ikinamatay ng apat

- Ang learning module ang isa sa iba't ibang pamamaraang ibinahagi ng Department of Education para maipagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bangkay na nang matagpuan ang apat na tumawid ng ilog sa Biñan, Laguna para sana maghatid ng learning modules.

Nalaman ng KAMI na ang apat na hindi na muling nakauwi ay pinaghahanap na ng awtoridad.

Sa video na ibinahagi ng Biñan City marshall, ipinakita kung paano nila natagpuan ang mga bangkay na sunod-sunod nilang nakuha.

Read also

Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

4 na tumawid ng ilog sa Laguna para maghatid ng modules, natagpuang mga bangkay na
Learning module ng mga public schools sa bansa Credit: Department of Education Philippines
Source: Facebook

Tatlo pa sa apat na mga bangkay ay pawang mga menor na may edad 15, 13, at isang anim na taong gulang.

Pinaniniwalaang nalunod ang mga ito sa rumaragasang ilog subalit patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

Marami rin kasing netizens ang nagtaka kung bakit kasama ang tatlong menor de edad sa pamamahagi gayung nasa loob lamang sana sila ng kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng ulat ng QRT o Quick Response Team ng GMA News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang learning modules sa iba't ibang learning modalities na inihain ng Department of Education upang maipagpatuloy ang panuruang taon 2020-2021 sa kabila ng pandemya.

Oktubre 5 nang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan. Bukod sa paggamit ng modules, mayroon ding online classes at ilang videos na mapapanood naman sa DepEd TV.

Read also

Rachelle Ann Go, masayang inanunsyo ang pagbubuntis sa kanyang vlog

Ilang mga viral post na rin patungkol sa pagsasagot ng modules ang nag-viral. Karamihan pa sa mga ito ay pawang hinaing sa hirap na di umano'y dinaranas nila sa distance learning ngayong taon.

Ang ilang videos naman ay nagpapakita ng sakripisyo ng mga guro makapaghatid lamang ng learning modules sa mga mag-aaral na umaasa sa kanila.

Sa ngayon, iminumungkahi na ang posibilidad ng face-to-face classes sa susunod na taon sa mga lugar sa bansa na halos walang kaso ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel