Mag-lola na binaha sa Cagayan, dinagsa ng tulong matapos mag-viral

Mag-lola na binaha sa Cagayan, dinagsa ng tulong matapos mag-viral

- Matapos na maibahagi ang kalagayan ng mag-lola sa Cagayan, inulan na sila ng tulong mula sa mga nagmalasakit na netizens

- Ang 13-anyos na binatilyong apo lamang ang nag-iintindi sa kanyang lola nang bahain ang kanilang lugar

- Mabuti na lamang at natulungan naman sila ng mga kamag-anak at kapitbahay kaya naman sila'y nakalikas at nakaligtas

- Marami ang nagpaabot ng tulong sa mag-lola lalo na nang malamang hindi na nakapag-aral ang binatilyo dahil sa pag-aalaga sa kanyang lola na baldado na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang sitwasyon ng binatilyong si Larry Rueco Jr. at ng lola nitong si Luz Mabuti na mga binaha sa Cagayan noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses sa bansa partikular sa Luzon.

Nalaman ng KAMI na nakalikas naman ang mag-lola sa baha sa tulong ng mga kamag-anak at kapitbahay.

Estudyanteng naglalako sa gilid ng kalsada, dumadalo pa rin ng online classes

Subalit kahit na nakaligtas sa matinding pagbaha, mas lalong naging mahirap ang kalagayan ng mag-lola.

Mag-lola na binaha sa Cagayan, dinagsa ng tulong matapos mag-viral

Sina Lola Luz at apo nitong si Larry nang sila'y lumilikas sa binahang tahanan Credit: Raymon Garcia Dullana
Source: Facebook

Ibinahagi ni Raymon Garcia Dullana ang kalagayan nina Lola Luz at ng apo nitong si Larry matapos makita ang post ni Maria Libayne.

Doon daw niya nalamang ang mag-lola lamang ang magkasama sa buhay. 13-anyos pa lamang ang apo at hindi na raw ito nakapag-aral dahil sa pag-aaruga sa lola niyang baldado na.

Ang kanyang tiyo na walang asawa ang siyang nagbibigay sa kanila ng panggastos. At dahil ume-ekstra lamang bilang construction worker ang tiyo, bihira itong mapirmi sa bahay.

Dahil dito, minabuti ni Raymon na maglikom ng tulong para sa mag-lola. Sinadya mismo nila ang tirahan nito at doon nakita ang nakakadurog ng puso nilang kalagayan.

Manipis na banig lamang ang sapin ng matanda na nakahiga sa malamig na semento.

Ang kanyang apo naman ay nasa duyan lamang kaya hindi rin komportable ang pamamahinga nito.

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Larry na rin ang nagpapakain, nagpapaligo at nagpapalit ng diaper ng kanyang lola.

Kaya naman hindi lamang para sa mga pangunahing pangangailangan ang ipinanawagan ng tulong ni Raymon kundi para na rin sa edukasyon ni Larry.

"Sa isang ideal na mundo, walang puwang ang kalagayan ng mga batang katulad ni Larry. Sila dapat ay nag-aaral, ine enjoy ang pagkabata," paliwanag niya sa kanyang viral post na siyang naging daan para dagsain ng tulong ang mag-lola.

Sa huling update ni Raymon, tinatayang mahigit P50,000 na ang halaga ng pumasok ng tulong pinansyal sa mag-lola.

Nabilhan na rin ng maayos na higaan ang lola, mga unan, diaper at mga grocery items na malaking tulong na sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

Nobyembre 12 nang mabulabog ang bansa ng Bagyong Ulysses na naging dahilan ng matinding pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

Ilan sa mga nakaranas ng matinding pagtaas ng tubig ang Marikina City, ilang bahagi ng probinsya ng Rizal, gayundin ang Isabela at ang kinaroroonan nina Larry at kanyang Lola Luz sa Cagayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel