Pusang nag-ala baby-sitter, kinagiliwan ng netizens

Pusang nag-ala baby-sitter, kinagiliwan ng netizens

- Viral ang larawan ng isang pusa na hindi iniwan ang baby ng kanyang amo habang ito ay natutulog

- Nakapukaw ng pansin ang mga larawan ng baby at pusa dahil makikita kung gaano kalambing ang alagang hayop sa baby na mahimbing namang natutulog

- Kwento ng magulang ng bata, maluha-luha raw siya nang makita niya ang senaryong iyon at tuwing makikita pa rin niya ang mga larawan nito ay aminadong nagiging emosyonal pa rin siya

- Nilinaw naman niya na bukod sa pusa, kasama ng baby ang mga nakatatanda nitong kapatid at lola habang sila ay namimili ng grocery items

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pusang nag-ala baby-sitter, kinagiliwan ng netizens

Si Baby Cael at ang pusang si Keanu (Photo from Joey Masalungan/ Pinoy Cats Facebook)
Source: Facebook

Marami ang natuwa sa viral photos ng isang pusa na matiyagang nagbantay sa anak ng kanyang amo.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ito ng magulang ng baby na si Joey Mansalungan sa Facebook page na Pinoy Cats.

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

Kwento ni Joey, umalis lamang sila ng kanyang asawa saglit upang mamili ng mga grocery ng kanilang pamilya.

Pagbalik nila, agad na ipinakita ng kanyang mga anak ang nakunan nilang eksena sa pag-aalaga ng pusa na si Keanu sa anak naman niyang si Baby Cael.

Maluha-luha raw na tiningnan ni Joey ang mga larawan ng dalawa at aminadong nagiging emosyonal pa rin siya hanggang ngayon tuwing makikita muli ang mga ito.

Makikita kasi roon kung gaano kalambing si Keanu kay Baby Cael na mahimbing ang tulog.

Nakunan pa nga ng larawan ang pag-alalay ng pusa sa pacifier ng baby na talaga namang nakakatunaw ng puso tingnan.

Kwento pa ni Joey, matagal na raw nais ni Keanu na lumapit kay Baby Cael ngunit noon lamang ito nakalapit. At sa unang beses na kanilang pagsasama, kitang-kita na ang paglalambing ng pusa sa baby na hindi naman niya nagagambala ang pagtulog.

Umabot na sa 20,000 na mga positibong reaksyon ang naturang post sa dami ng mga naaliw at naantig sa mga larawan na talaga namang nakaka-good vibes.

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral ang isang batang palaboy na nagbantay sa isang aso sa labas ng coffee shop habang ang amo nito ay nasa loob.

Natuwa ang 'furparent' kaya naman binigyan niya ng maiinom ang batang mabilis na nakasundo ng kanyang alaga. At dahil nag-viral ang kanyang post, maraming nagpaabot ng tulong sa bata at sa pamilya nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel