PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

- Hinangaan ang isang PWD mula sa Lipa, Batangas dahil sa kabutihang loob niyang mag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

- Isa sa empleyado ng pawnshop kung saan naghulog ng pera ang PWD para sa isang foundation ang kumuha ng larawan ng naturang customer

- Naantig siya sa ginawa nito at napagtanto na kung sino pa ang may pinagdaraanan sa buhay, iyon pa ang may busilak na kalooban para tumulong

- Maging ang mga netizens ay napabilib sa PWD na ito hindi nagdalawang isip na ibahagi ang kung anumang mayroon siya sa mga kapwa niyang mas higit na nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

Vener Lucero (Photo from Mikel Ebreo's Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Mikel Ebreo tungkol sa isang PWD na nakuha pa ring mag-donate para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 12.

Nalaman ng KAMI na si Mikel ang empleyado ng pawnshop kung saan naghulog ng pera ang PWD na si Vener Lucero na siyang ipadadala niya sa GMA Kapuso Foundation. Isa kasi ito sa mga grupo na naglilikom ng pera o anumang donasyon na maaring ipamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

Kinuhanan ng larawan ni Mikel si Vener dahil naantig siya sa kabutihan nito na sa kabila ng kanyang kalagayan at nakuha pa rin niyang magbahagi sa mga higit na nangangailangan.

Mapapansing may saklay sa paglalakad si Vener. Subalit mababakas sa kanyang mga mata ang saya na nakatulong siya sa mga kababayan nating nakaranas ng pagbaha na siyang naging dahilan ng kawalan ng kanilang ari-arian at kabuhayan.

Ayon pa raw kay Mang Vener, hindi man kalakihan ang kanyang naibahagi subalit pag naisama na ito sa iba, lalaki at dadami na rin ito.

Dahil dito, maging ang mga netizens ay bumilib sa kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa ni Vener.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang isang katulad mo kuya na may busilak na kalooban dito sa mundo na ating ginagalawan, number 1 ka sa aking hinahangaan. God bless you kuya."
Ivana Alawi, nagtungo naman sa Oriental Mindoro upang mamahagi muli ng tulong
"Godbless po Sir. Saludo po ako sa kabutihan ng puso niyo. Sana dumami pa ang tulad niyo po"
"Naluha ako nung nabasa ko ang ginawa ni tatay, bihira na po ang tulad niya"
"Maging inspirasyon po sana sa karamihan ang nagawa niya, napakabuti niyo po"
"Tunay pong nakakataba ng puso ang ginawa niya, Saludo po kami sa inyo!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ay nag-viral din ang pagtulong ng isang PWD na ang napalimos na nasa mahigit ₱12,000 ay nagawa pa niyang ibahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Libo-libong mga kababayan natin ang magpasa-hanggang ngayon ay di pa nakakabangon sa naging epekto ng sunod-sunod na pagbagyo sa bansa.

Mabuti na lamang at may mga tulad ni Tatay Vener na sa kabila ng hirap ng buhay ay nakukuha pa ring magbahagi sa mga mas nanganganilangan ng tulong sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel