Senate President Tito Sotto, ibinunyag na naturukan na ng vaccine sina Lacson at Romualdez

Senate President Tito Sotto, ibinunyag na naturukan na ng vaccine sina Lacson at Romualdez

- Naikuwento ni Senate President Tito Sotto na naturukan na ng vaccine sina Senator Panfilo Lacson at House of Representatives Majority Leader Martin Romualdez

- Inudyukan din umano siya ni Sen. Lacson na magpaturok ngunit nag-alangan pa ito

- Hindi naman tahasang inamin o pinasinungalingan ni Lacson ang tungkol sa naging pahayag na ito ni Sotto

- Si Rumualdez naman ay nakatakdang magbigay ng pahayag tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ni Senate President Tito Sotto na naturukan na ng vaccine sina Senator Panfilo Lacson at House of Representatives Majority Leader Martin Romualdez. Ito ay kanyang sinabi sa isang panayam sa radio DWIZ kung saan naitanong sa kanya kung magpapaturok siya ng nasabing vaccine.

"Si Senator Lacson ang tapang, immunized na 'yun. Nagpa-injection na 'yun… Oo, nauna na 'yun, matapang 'yun. Tsaka si Martin Romualdez," ani Sotto.

Makulit na larawan ni Barbie Imperial na "ipina-Tulfo" raw ng GF ng isang vlogger, viral

Mula umano sa Pfizer ang vaccine na pinaturok sa dalawa.

Senate President Tito Sotto, ibinunyag na naturukan na ng vaccine sina Lacson at Romualdez

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Inudyukan din daw siya ni Sen. Lacson na magpa immunize na ngunit pabiro niyang sinagot ito na titingnan niya muna ang magiging epekto sa kanya.

Tila nakukumbinsi na rin ito dahil sa nakikita kung gaano kakampante si Sen. Lacson.

"Bihira na nga mag-mask. Dati nakita mo 'yun naka-mask, naka-face shield. 'Di ba? Ngayon, 'pag nakaupo lang doon, wala ng mask," ani Sotto.

"Pero nakakahiya kay Ping. Baka hindi ko dapat ikinuwento sa inyo. Siya na lang tanungin 'nyo," dagdag pa niya.

Maging si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay kinompirma ang tungkol dito sa isang panayam sa DWIZ.

Gayunpaman, hindi naman tahasang inamin o pinasinungalingan ni Lacson ang tungkol sa naging pahayag na ito ni Sotto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gabby Concepcion, awang-awa sa anak na si KC na naiyak matapos nilang magkita

Samantala, nakatakda umanong magbigay ng pahayag si House of Representatives Majority Leader Martin Romualdez kaugnay dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang sinupalpal ni Sen. Sotto si DOH Secretary Doque matapos nitong sabihing na-flatten na ang curve ng kaso ng COVID sa bansa.

Naging usap-usapan din ang pag-amin niya na dalawang beses na siyang na-test sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel