Asawa ng lalaking nasawi dahil nabagsakan ng steel girder, naghihinagpis

Asawa ng lalaking nasawi dahil nabagsakan ng steel girder, naghihinagpis

- Punong-puno ng paghihinagpis ang isang ginang na nabiyuda matapos pumanaw ang kanyang asawa

- Isa sa mga biktima ng bumagsak na steel girder sa East Service Road sa Muntinlupa nitong Sabado ng umaga ang kanyang asawa

- Nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-43 na kaarawan nitong Linggo ang kanyang asawang kinilalang si Edison Paquibot

- Gayunpaman, hindi ito pinalad at tuluyang binawian ng buhay matapos inanunsyong dead on arrival sa Alabang Medical Clinic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi mapigil sa pag-iyak ang isang ginang na kinilalang asawa ng nasawing biktima sa bumagsak na steel girder sa East Service Road sa Muntinlupa ngayong Sabado ng umaga. Dinatnan na nitong walang buhay ang asawa sa ospital.

Inanunsiyong dead on arrival ang biktimang si Edison Paquibot matapos siyang isugod sa Alabang Medical Clinic sa Muntinlupa kasunod ng malagim na aksidente.

Rachelle Ann Go, masayang inanunsyo ang pagbubuntis sa kanyang vlog

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, pasado alas 9 ng umaga nang mangyari ang insidente kung saan nabagsakan ng steel girder ang 42 anyos na biktima habang binabaybay niya sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng East Service Road.

Asawa ng lalaking nasawi dahil nabagsakan ng steel girder, naghihinagpis

Asawa ng lalaking nasawi dahil nabagsakan ng steel girder, naghihinagpis (Photo: Wikimedia Commons)
Source: UGC

Nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-43 na kaarawan nitong Linggo ang kanyang asawang kinilalang si Edison Paquibot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tumanggi nang magpakilala ang mga kaanak ng biktima ngunit papasok na sana umano ito sa kanyang trabaho bilang safety officer sa Bonifacio Global City.

Ang kanyang pamangkin naman ay kasabay niya na nasa kabilang motorsiklo. Pasado alas-4 na ng hapon dumating ang asawa at mga kaanak ng biktima na mula pa sa Bacoor, Cavite.

Samantala, sa isang panyam sa 24 Oras, inihayag ng asawa ng biktima na gusto niyang mapanagot ang dapat managot sa nangyari sa kanyang mister.

Kim Chiu, nagbasa at sumagot sa mga mean comments sa kanya ng netizens

"Kailangan managot sila. I don't wish evil to anybody pero bakit yung asawa ko pa?"

Nasa Loreto Funeral Homes na ang mga labi ng biktima.

Tumangging namang magbigay ng pahayag sa harap ng camera ang kaniyang asawa at mga kaanak.

Ayon sa isang ulat ng Manila Bulletin, ang Skyway Extension Project ay nakatakdang matapos ngayong Disyembre.

Bukod sa motorsiklo mayroon ding ibang sasakyan na napinsala ng aksidente. Gayunpaman, kadalasan ay malaki ang natatamong pinsala ng mga motorista. Sa katunayan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot sa 31,279 ang naaksidente sa motor noong nakaraang taon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilan sa mga aksidenteng ito ay dulot ng kawalan ng disiplina at hindi pagsunod sa batas trapiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel