Operator ng nadiskaril na crane ng Skyway, emosyonal

Operator ng nadiskaril na crane ng Skyway, emosyonal

- Hindi napigilang maging emosyonal ng operator ng nadiskaril na crane ng Skyway

- Binigyan ng abogado mula sa Public Attorney's Office ang nasabing operator

- Kakaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicidé, multiple physical injuries, and damage to property

- Matatandaang 1 ang nasawi at 4 ang nagtamo ng pinsala sa pagkakabagsak ng steel girder mula sa Skyway project

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang operator ng nadiskaril na crane ng Skyway na si Enrico Gregorio, 41, ng Molino 3, Bacoor, Cavite sa kanyang pagharap sa inquest proceeding sa Muntinlupa City Police Headquarters.

Ayon sa ABS-CBN News, wala umano siyang abugado at hindi niya rin umano naiintindihan ang batas.

Operator ng nadiskaril na crane ng Skyway, emosyonal

Skyway Extension Project (Photo: Wikimedia Commons)
Source: UGC

Nabigyan din ito ng abogado mula sa Public Attorney's Office ang operator ng nadiskaril na crane sa Skyway extension project bilang default dahil sa kawalan ng pribadong abogado.

Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan

Ayon naman sa Manilla Bulletin, bukod sa binawian ng buhay na si Edison Visaga Paquibot na nagmamaneho ng Yamaha Mio Soul motorcycle, napinsala din ng bumagsak na girder ang isang Mitsubishi Adventure na minamaneho ni Henry Zosar, 54, mula San Pedro, Laguna.

Kabilang din ang isang Toyota Vios taxi na minamaneho ni Rogelio Cueno, 60, ng Bagong Silangan, Quezon City; Hyundai H100 na minamaneho ni Aner Regachuelo ng Pinagbuhatan, Pasig City; Suzukı Raider motorcycle ni Juanito Dumalig Jr. ng Alabang; Yamaha Mio motorcyclena minamaneho ni Reden Abanil Resus ng Alabang; at Honda Beat motorcycle ni Edwin Sagun ng San Pedro, Laguna. Ito ay ayon sa ulat ng Muntinlupa Police.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, pasado alas 9 ng umaga nang mangyari ang insidente kung saan nabagsakan ng steel girder ang mga sasakyan ng mga biktima habang binabaybay ang kahabaan ng East Service Road. Ang Skyway Extension Project ay nakatakdang matapos ngayong Disyembre.

Sarah Geronimo, mapapanood rin sa TV5 kagaya ng asawang si Matteo Guidicelli

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Labis-labis ang paghihinagpis ng asawa ng isa sa mga biktima na binawian ng buhay nitong Sabado. Hiling niya na mapanagot ang mga dapat managot sa insidente.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel