Vice Ganda at PA na si Erna, ginaya ang ilang eksena sa mga lumang pelikula

Vice Ganda at PA na si Erna, ginaya ang ilang eksena sa mga lumang pelikula

- Isinama ni Vice Ganda sa isang vlog ang kanyang personal assistant na si Erna

- Dahil sa hilig umano nitong manuod sa mga lumang pelikula ay naisipan nilang gayahin ang ilan sa mga iconic na linya ng pelikula

- Nakipagsabayan din si Erna sa pag-arte at pinatunayang may ibubuga siya pagdating sa aktingan

- Marami ang naaliw sa masayang batuhan ng linya nina Vice at ng kanyang PA na ilang beses na rin niyang pinakilala sa publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ang vlog ni Vice Ganda kung saan isinama niya ang kanyang personal assistant nakilala sa tawag na Erna. Ibinabahagi ni Vice na mahilig itong manood ng mga lumang mga pelikula bago ito matulog sa gabi.

Ayon kay Erna, gusto niyang pinapanood ang mga lumang pelikula dahil umano sa magagandang linyang ibinabato ng mga artista.

PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens

Kaya naman, naisip ni Vice na gayahin ang ilang eksena sa mga pelikulang sumikat noon.

Nakipagsabayan din si Erna sa pag-arte at tila pinatunayang may ibubuga din siya pagdating sa aktingan.

Vice Ganda at PA na si Erna, ginaya ang ilang eksena sa mga lumang pelikula

Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

Marami ang naaliw sa masayang batuhan ng linya nina Vice at ng kanyang PA na ilang beses na rin niyang pinakilala sa publiko sa pamamagitan ng kanyang mga vlogs.

Ilan sa mga pelikulang kanilang ginaya ay San Darating ang Umaga, The Flor Contemplacion Story, Saan Nagtatago ang Pag-ibig, Pasan ko ang Daigdig at Filipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Vlogger, nagsama ng mamahalin at imported na de lata sa relief goods na ipamimigay niya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan ay ibinahagi ni Vice ang video ng kanilang karanasan sa Balesin nang tumama ang Bagyong Ulysses sa nasabing isla.Kinailangan nilang lumikas at lumipat sa mas ligtas na tutuluyan matapos masira at mawalan ng kuryente ang mga villa na kanilang tinuluyan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel