Anak nina Neri Naig at Chito Miranda na si Miggy, nagdiwang ng kanyang ika-4 na kaarawan

Anak nina Neri Naig at Chito Miranda na si Miggy, nagdiwang ng kanyang ika-4 na kaarawan

- Nagdiwang ng kanyang ikaapat na taong kaarawan si Miggy Miranda na anak nina Neri Naig at Chito Miranda

- Ibinahagi ni Neri ang ilang pangyayari sa kanyang naging pagdiriwang na mayroong temang Call of Duty

- Idinaos ang kanyang birthday party sa Miranda's Resthouse na dinaluhan ng mga employee ni Neri at mga kasama nila sa bahay

- Bumuhos naman ang pagbati para kay Miggy mula sa mga kaibigan ng mag-asawa mula sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Neri Naig ang isang maiksing video na kuha sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang anak na si Miggy.

Ipinagdiwang nila ang ikaapat na kaarawan ni Miggy sa Miranda's Resthouse na dinaluhan ng mga employee ni Neri at mga kasama nila sa bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ethel Booba, ibinida ang umano'y 'bunga' ng kanyang pagvlog
Anak nina Neri Naig at Chito Miranda na si Miggy, nagdiwang ng kanyang ika-4 na kaarawan

Neri Naig-Miranda and Chito Miranda (Photo from Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, isang maiksi ngunit madamdaming mensahe ng pagbati ang ibinahagi ni Neri para sa anak.

Happy 4th birthday, my forever baby! Thank you at napakabait mong anak at talagang masunurin sa amin ni Daddy Chito. Mahal na mahal ka namin, Miggy!

Nilinaw din nito na pili lamang ang mga dumalo sa party.

Disclaimer: kami kami lang yan at angels namin sa bahay ang kasamang nagcelebrate ng 4th birthday party ni Miggy.

Ilan sa mga showbiz personalities na nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Hero Angeles at Mariel Padilla.

Isinilang ni Neri si Miggy noong November 2016.

Si Neri ay nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa talent search na Star Circle Quest. Ikinasal siya sa bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man natuloy ang kanyang pag-aartista, naging matagumpay si Neri sa kanyang pagnenegosyo. Hindi niya ikinahiya ang kanyang pinagmulan bago pa siya sumikat.

Mariel Padilla, matindi ang naging reaksiyon sa mga lumang pelikula ng asawa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napalago niya ang kanyang negosyo at nakapagpundar ng mga ari-arian. Maging ang kanyang asawang si Chito ay hindi maitago ang pagiging proud nito sa mga naachieve ng kanyang maybahay na nakilala sa bansag na 'wais na misis' dahil sa pagiging madiskarte nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel