John Lloyd Cruz, ipinaliwanag ang dahilan sa desisyong magpahinga sa showbiz

John Lloyd Cruz, ipinaliwanag ang dahilan sa desisyong magpahinga sa showbiz

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinaliwanag ni John Lloyd Cruz ang tungkol sa kanyang naging desisyon na magpahinga sa showbiz

- Aniya, kinailangan muna niyang huminto at magnilay-nilay upang magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin

- Nahinto man daw siya sa paggawa ng mga proyekto sa telebisyon, hindi naman siya natigil sa paggawa ng sining

- Matatandaang taong 2017 nang nagdesisyon si John Lloyd na mag-indefinite leave mula sa ABS-CBN at Star Magic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinaliwanag ni John Lloyd Cruz ang tungkol sa kanyang naging dahilan kung bakit niya napagpasyahang magpahinga muna sa pag-aartista sa loob ng halos tatlong taon.

Sa isang panayam ni Boy Abunda sa digital talk show ng Cinema One na Best Talk, sinabi ni John Lloyd na pakiramdam niya ay kailangan niya munang huminto at magnilay-nilay.

Ethel Booba, ibinida ang umano'y 'bunga' ng kanyang pagvlog
John Lloyd Cruz, ipinaliwanag ang dahilan sa desisyong magpahinga sa showbiz

John Lloyd Cruz (Photo by Noam Galai via Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, kinailangan niya munang dumistansya para makapagpatuloy siya.

"Parang gusto mong maging… hindi ko alam, para malagyan mo uli, kailangan mo munang ubusin. Something like that," aniya.

Binigyan lamang umano niya ng atensiyon ang ilang mga bagay sa buhay niya na alam niyang kailangan niyang gawin.

Ayon pa sa aktor kahit tumigil siya sa paggawa ng mga tv shows, hindi naman daw siya huminto sa paggawa ng sining.

Sa bandang dulo ng panayam ay sinabi niyang “kailangan pa ring magtrabaho.”

Aminado naman siyang hindi naging maayos ang kanyang naging desisyon ngunit ang mahalaga ay nagawa umano niya ang pinapaniwalaan niyang kailangan niyang gawin noong mga panahong iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Claudine Barretto, humiling ng panalangin para sa kanyang operasyon

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa ABS-CBN, na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Siya ay sumikat nang husto at maituturing sa isa sa naging pinakamatagumpay sa paggawa ng pelikula at serye. Bukod sa laging tinatangkilik ay nakatanggap din siya ng mga parangal at pagkilala sa husay niya sa larangan ng pag-arte.

Nakatakda siyang gumawa ng pelikula kasama ang kanyang leading lady na si Bea Alonzo ngunit, naantala ito dahil sa pandemya.

Kinakiligan naman ng mga tagasuporta nila Bea at John Lloyd ang isang video kung saan magkasama sila nang bumati ang aktres sa kaibigang si Dimples Romana sa kaarawan nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel