Rocco Nacino, hindi napigilang maiyak sa kanyang engagement sa nobya

Rocco Nacino, hindi napigilang maiyak sa kanyang engagement sa nobya

- Naging emosyonal ang aktor na si Rocco Nacino sa kanyang engagement sa professional athelete girlfriend na si Melissa Gohing

- Sa mga litratong ibinahagi sa social media, makikitang hindi nito mapigilang maluha sa galak

- Ginanap ang romantic proposal ni Rocco kay Melissa sa Hinulugang Taktak Falls sa Antipolo, Rizal

- Mahigit tatlong taon nang magkarelasyon ang kapuso actor at dating bahagi ng De La Salle Lady Spikers na si Melissa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang-kita sa mga litrato ang kagalakan ng magkasintahang Rocco Nacino at Melissa Gohing sa araw ng kanilang engagement.

Kabilang sa mga litratong ibinahagi ni Melissa sa social media ay ang litrato nilang kung saan makikitang emosyonal si Rocco. Maging si Melissa ay napaluha sa sobrang saya sa bagong yugto ng kanilang buhay.

The easiest "Yes" I've ever said in my life! My mom taught me that LOVE is a CHOICE. And that I should choose a husband that I can get through the highest of highs and lowest of lows. To my future husband, I will still choose you over and over again even in the darkest of times because you showed me the stars.
Ethel Booba, ibinida ang umano'y 'bunga' ng kanyang pagvlog

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Melissa ang isang madamdaming mensahe para sa kanyang soon-to-be husband.

Ikinabigla umano ni Melissa ang romantic proposal ni Rocco na giananap sa Hinulugang Taktak Falls sa Antipolo, Rizal.

Mahigit tatlong taon na ang kanilang relasyon na nagsimula umano sa pagiging magkaibigan ayon kay Rocco na kanyang ibinahagi sa mga naunang panayam.

Rocco Nacino, hindi mapigilang maiyak sa kanyang engagement sa nobya

Rocco Nacino, hindi mapigilang maiyak sa kanyang engagement sa nobya (Photo from @gohingmelissa/Instagram)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rocco Nacino ay isang Kapuso actor na kabilang sa Pinoy adaptation ng hit K-drama na Descendants of The Sun.

Samantalang ang kasintahang si Melissa ay dating bahagi ng De La Salle Lady Spikers. Bahagi siya ng Creamline team ng Premier Volleyball League, at ka-team niya sina Michele Gumabao at Alyssa Valdez sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Coleen Garcia, ibinida ang abs matapos ang 2 buwan matapos manganak

Matatandaang nauna na ring lumabas ang bali-balita tungkol sa pagpapakasal ng magkasintahan noong 2018. Nilinaw ni Rocco ang tungkol sa isyung ito at ipinaliwanag na career muna niya ang uunahin niya.

Kamakailan ay ibinahagi ng aktor na natapos na ang kanyang ipinapatayong bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel