Mariel Padilla, nawindang sa mga pinanood na lumang pelikula ng asawa

Mariel Padilla, nawindang sa mga pinanood na lumang pelikula ng asawa

- Para sa paggunita sa kaarawan ng kanyang asawa, pinanood ni Mariel Padilla ang ilang mga pelikula ni Robin Padilla

- Hindi niya napigilang mag-react sa mga eksena kung saan may kasamang iba ang kanyang mister

- Gayunpaman, bilib na bilib si Mariel sa husay ni Robin sa pag-arte na ayon sa kanya ay napaka-natural

- Kabaliktaran naman umano si Robin sa totoong buhay kumpara sa nakikita ng tao sa mga pelikula na isa siyang bad boy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatunayan ni Mariel Padilla na kaya niyang panoorin ang mga palikula ng asawang si Robin Padilla kabilang na ang mga bahaging may mga kaeksena siyang mga leading lady.

Habang kumakain ay isa-isang pinanood ni Mariel ang mga pelikulang inihanda ng kanilang digital team.

Ilan sa mga leading lady na nakaeksena ni Robin sa mga pelikulang pinanood ni Mariel ay sina Sharon Cuneta, Jolina Magdangal, Rita Avila, Regine Velasquez at Vina Morales.

Vice Ganda at PA na si Erna, ginaya ang ilang eksena sa mga lumang pelikula
Mariel Padilla, matindi ang naging reaksiyon sa mga lumang pelikula ng asawa

Mariel Padilla, matindi ang naging reaksiyon sa mga lumang pelikula ng asawa (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inamin ni Mariel na bilib siya sa husay ni Robin sa acting. Natural na natural umano ito sa pagdeliver ng kanyang mga lines lalo na noong makaeksena niya ito.

Sa bandang dulong bahagi ng video, ibinahagi ni Mariel ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang asawa. Malaki umano ang kanyang pasasalamat na si Robin ang napangasawa niya dahil tinutupad nito ang kanyang mga ipinangako at pakiramdam niya ay panatag siya.

Maayos na kalusugan, peace of mind at mas maraming oras na makasama ang asawa ang hiling ni Mariel para kay Robin na nagdiriwang ng kanyang ika-51 kaarawan ngayong November 23.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad boy of Philippine cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist.

Anak ni Neri Naig at Chito Miranda na si Miggy, nagdiwang ng kanyang ika-4 na kaarawan

Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel