BF, nagulat sa mga package na sa kanya nakapangalan matapos galitin si GF

BF, nagulat sa mga package na sa kanya nakapangalan matapos galitin si GF

- Ibinahagi ng boyfriend ang ginawang paghihiganti sa kanya ng kanyang nobya nang magkaaway sila kamakailan

- Nagalit daw kasi ang kanyang girlfriend dahil nadadalas ang kanyang pag-iinom na minsan pang inabot ng madaling araw

- Mabilis naman silang nagkabati ng kanyang nobya kaya naman inakala niyang okay na talaga ulit silang dalawa

- Subalit laking gulat ng boyfriend nang bigla na lang nagsisidatingan ang mga package na hindi naman niya inorder pero sa kanya nakapangalan at siya ang sinisingil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

BF, nagulat sa mga package na sa kanya nakapangalan matapos galitin si GF

Photo from PxFuel
Source: UGC

Viral ang post ng nobyo na ibinahagi ang ginawang 'higanti' ng kanyang girlfriend matapos niya itong galitin dahil sa kanyang pag-iinom.

Nalaman ng KAMI na bukod sa nadadalas ang pag-iinom ng netizen na si Jessie Abalos Cagurangan at minsan pa raw siyang inabot ng umaga na siyang ikinagalit ng kanyang nobya.

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

Subalit agad naman daw silang nagkabati kaya naman inakala niyang okay na sila ng kanyang girlfriend.

Laking gulat na lamang niya na may dumating na package na sa kanya nakapangalan at naka-address kahit hindi naman siya ang umorder.

"‘Tong magaling kong girlfriend pala ang nag-order at ang nakakabilib dun, sa’kin ang address!" kwento ni Jessie.

Binayaran naman niya at pinagbigyan ang trip ng kanyang nobya.

Pero hindi lamang pala isa ang order ng GF kundi dalawa dahil kinabukasan, isang parcel na naman ang naka-pangalan sa kanya kahit di naman niya nag-order.

Doon daw niya napagtanto na hinding-hindi na niya gagalitin ang kanyang nobya na napakahusay makaisip ng paraan para makaganti sa kanya.

Samantala, aliw na aliw naman ang mga netizens sa viral post na ito ni Jessie. Ang mga may boyfriend, tila nagkaroon daw ng ideya kung paano makagaganti sa mga kalokohan ng kanilang mga nobyo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maureen Wroblewitz, ibinahagi ang kanyang napagtanto nang magka-COVID

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Parang gusto ko awayin jowa ko tapos ito gagawin ko... hahaha!"
"Nice! you gave me an idea tuloy. Dadamihan ko sa dami ng kalokohan niyang nagawa"
"Naku bro paktay ako nito kay misis, nabasa niya good boy na tuloy ako"
"Palagay ko mga 5 days, 1 parcel a day ok na sa bf ko na laging nakababad sa online gaming"
"Naranasan ko rin ito pero pagkain naman ang dumating sa amin, ako taya"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang post naman ng nobya na nahuli ng wala sa oras ang BF na nagsabing 'all boys' lamang daw sila sa kanilang lakad.

Sa ebidensyang ipinakita mismo ng nobyo, doon nakita ng GF na may pambabaeng bag na nahagip sa picture.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel