Toni Gonzaga, kinausap ng masinsinan si Mikee Morada upang mas makilala pa ito

Toni Gonzaga, kinausap ng masinsinan si Mikee Morada upang mas makilala pa ito

- Kinausap ng masinsinan ni Toni Gonzaga ang kanyang future brother-in-law na si Mikee Morada

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ni Toni si Mikee ng masinsinan tungkol sa ilang mga personal na bagay

- Marami ang lalong humanga sa pagiging mapagmahal na ate ni Toni sa kapatid nitong si Alex

- Hinangaan din ng netizens ang pagiging sincere ni Mikee sa relasyon nila ni Alex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ni Toni Gonzaga ang nakatakdang mapangasawa ng kanyang kapatid. Tinanong niya si Mikee Morada tungkol sa ilang personal na bagay upang mas lalo pa umano niya itong makilala.

Hindi naman kasama sa nasabing video ang kapatid ni Toni na si Alex kaya mas natuon ang pansin ng netizens sa kung paano magsalita si Mikee.

Toni Gonzaga, kinausap ng masinsinan si Mikee Morada upang mas makilala pa ito

Toni Gonzaga, kinausap ng masinsinan si Mikee Morada upang mas makilala pa ito (Photo: flickr.com/photos/danealegana/14090965785)
Source: UGC

Ayon sa kanilang pag-uusap, napag-alaman ng KAMI na apat na taon nang magkarelasyon sina Alex at Mikee. Nandoon si Mikee noong mga panahong walang trabaho si Alex kaya napagpasyahan niyang seryosohin ang paggawa ng mga videos para sa kanyang YouTube channel.

Mariel Padilla, nawindang sa mga pinanood na lumang pelikula ng asawa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naitanong din ni Toni kung ano ang pinakanagustuhan ni Mikee sa kapatid. Ayon kay Mikee, nagustuhan nito ang katangian ni Alex na masayang kasama. Dahil sa tagumpay nito sa kanyang napiling career, nainspire din umano siyang magpursige upang maging matagumpay.

Marami ang humanga sa pagiging mabuting ate ni Toni pati na ang pagiging sincere umano ni Mikee pagdating sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alex Gonzaga ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Parehas silang nakilala bilang mga TV hosts at endorser. Kahit nagkapamilya na si Toni ay nanatili ang kanilang pagiging malapit sa isa't-isa.

Matatandaang ibinahagi ni Alex na dahil sa pagpositibo nila sa COVID-19 ay naudlot ang ilang plano nila kabilang na ang kaugnay sa paghahanda sa kanilang nalalapit na kasal ni Mikee.

Claudine Barretto, humiling ng panalangin para sa kanyang operasyon

Nilinaw din ni Alex kung paano niya nasabi na sigurado siya kung paano siya nahawa ng COVID.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel