Claudine Barretto, humiling ng panalangin para sa kanyang operasyon

Claudine Barretto, humiling ng panalangin para sa kanyang operasyon

- Ibinahagi ni Claudine Barretto sa kanyang mga followers na sasailalim siya sa isang operasyon

- Hindi niya binanggit kung ano ang i-oopera sa kanya ngunit humiling siya na ipagdasal siya

- Kinuhanan niya ng video ang pagpasok sa kanya sa operating room habang naghahanda para sa kanyang operasyon

- Aminado si Claudine na nakakaramdam siya ng takot ngunit nagpapasalamat siya na pinapatawa siya ng kanyang ate Gretchen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humiling ng dasal si Claudine Barretto para sa operasyon na gagawin sa kanya. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang ilang updates sa kanyang kalagayan.

Ayon sa kanya, natatakot siya ngunit ang kanyang kapatid na si Gretchen Barretto ay naroroon para patawanin siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

John Lloyd Cruz, ipinaliwanag ang dahilan sa desisyong magpahinga sa showbiz
Claudine Barretto, humiling ng panalangin para sa kanyang operasyon

Claudine Barretto (flickr.com/photos/tillyholland/14327961993)
Source: UGC

Ngayong umaga ng Linggo, November 22, 2020, ibinahagi ng aktres ang ilang sandali bago siya pumasok sa operating room upang ihanda na sa operasyon sa kanyang kamay.

Siya ay kasalukuyang nasa St.Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City sa Taguig.

Sa kanyang mga Instagram live ay patuloy na nagbibigay ng update ang aktres simula nang Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga.

Aniya, patuloy siyang magbibigay ng update sa kanyang kalagayan.

Hindi nagbigay si Claudine ng kumpletong detalye tungkol sa nangyari sa kanyang kamay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Maureen Wroblewitz, ibinahagi ang kanyang napagtanto nang magka-COVID

Matapos ang naganap na kaguluhan sa kanilang magkakapatid, inamin ni Claudine na nawalan na siya ng pag-asa na magkakaayos sila ng kapatid na si Marjorie Barretto.

Kamakailan naman ay sinampahan ng kaso ni Claudine ang dating asawa na si Raymart kaugnay sa hindi nito pagtupad sa ipinangakong sustento sa kanilang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel