Ms. Everything, hot topic sa socmed kasunod ng pagbahagi nya ng video kasama ang isang lalaki

Ms. Everything, hot topic sa socmed kasunod ng pagbahagi nya ng video kasama ang isang lalaki

- Marami ang natuwa para sa online personality na si Ericka Camata o mas kilala sa tawag na Ms. Everything

- Nagbahagi ito kamakailan ng video kung saan may kasama siyang lalaking pinapaniwalaan na kanyang karelasyon

-Kasalukuyang nasa Maynila ang social media star at nagkaroon ng photo shoot kamakailan

- Nakilala si Ms. Everything sa kanyang mga nakakatawang videos na binabahagi online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napa-sana all sa video na binahagi ni Ms. Everything kung saan may kasama siyang lalaking pinapaniwalaan ng karamihan bilang kanyang karelasyon.

Kasalukuyang nasa Maynila si Ms. Everything. Nakatira siya sa bahay ng content creator na si Madam Ely. Bilang mas nauna na sa paggawa ng mga content sa YouTube, tutulungan nito si Ms. Everything sa kanyang career.

Ms. Everything, hot topic sa socmed kasunod ng pagbahagi nya ng video kasama ang isang lalaki

Ericka Maribojoc Camata/Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Claudine Barretto, humiling ng panalangin para sa kanyang operasyon

Samantala sa ibinahaging video ni Ms. Everything, makikita na na sumasayaw sila ng kasama niyang lalaki.

Kinaaliwan din ng netizens ang kanyang caption na , "pm is the key to success."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng kanyang mga followers:

Mapapasanaol kana lang talaga kay Ms. Everything.
Maglalambitin na din kaya ako sa sanga tapos papahulog na din ako. Baka naman.
Omegheyyd Everything Literal na kinilig ako! Basta masaya ka, support ka namin dyan. Deserve mong maging masaya dahil marami kaming napapsaya mo palagi.
Ms. Everything ikaw na talaga ang kabogera ng taon! Bukod sa career, may lovelife pa? Edi sana all talaga!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ms. Everything o Ericka Camata ay unang sumikat sa social media dahil sa kanyang mga nakakaaliw na videos na ibinabahagi sa social media. Pumatok sa mga netizens ang kanyang pagpapapatawa.

Kim Chiu, nagbasa at sumagot sa mga mean comments sa kanya ng netizens

Kinalaunan, dahil sa pagsikat niya ay gumawa siya ng sarili niyang YouTube channel na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 800,000 subscribers.

Naging usap-usapan kamakailan ang pagkanta ni Ms. Everything na kanyang inihandog sa mga frontliners.

Napansin naman ni Angel Locsin ang pagbahagi ni Ms. Everything ng kanilang sirang bahay na dinaanan ng bagyong Ambo sa Samar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel