Rachelle Ann Go, masayang inanunsyo ang pagbubuntis sa kanyang vlog

Rachelle Ann Go, masayang inanunsyo ang pagbubuntis sa kanyang vlog

- Masayang inanunsyo ni Rachelle Ann Go ang kanyang pagdadalang-tao sa pamamagitan ng kanyang vlog

- Tinatayang nasa limang buwang buntis na si Rachelle Ann na super excited para sa kanilang unang baby

- Maging ang kanyang mister na si Martin Spies ay makikitang napakasaya at excited na rin sa pagbubuntis ni Rachelle Ann sa kanilang unang supling

- Alam na nilang mag-asawa ang kasarian ng kanilang sanggol sa sinapupunan subalit hindi muna raw nila ito isasa-publiko sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Rachelle Ann Go, inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa kanyang vlog

Rachelle Ann Go (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Rachelle Ann Go nang i-anunsyo niya ang kanyang pagbubuntis sa kanilang first baby ni Martin Spies.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng kanyang vlog na ipinalabas noong Nobyembre 20, kinumpirma niyang siya ay nagdadalang-tao.

Ipinakita pa ni Rachelle Ann o "Shin" ang kanilang unang clinic visit upang makita ang lagay ng kanilang baby na noon ay nasa ika-10 linggo pa lamang.

Kim Chiu, nagbasa at sumagot sa mga mean comments sa kanya ng netizens

Mababakas ang kasiyahan ng mag-asawang Spies nang makita na ang mga larawan ng kanilang baby na naipalagay pa nila agad sa keychain.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa ikalawang check-up ni 'Shin', kasama pa rin niya ang mister na tila mas excited pa sa kanya para sa pagdating ng kanilang unang supling na inaasahan sa Marso 2121.

"I cannot believe it, I'm gonna be a momma. Mama Shin and Papa Martin," ang pahayag ni Rachelle Ann na hindi matinag ang mga ngiti sa buong video.

Inihahanda na rin nila ang nursery room ng kanilang baby na maari nilang ipakita rin sa vlog sa mga susunod na buwan.

Alam na rin ng mag-asawang Spies pati na rin ng kani-kanilang pamilya ang kasarian ng kanilang anak subalit hindi muna nila isasa-publiko ito sa ngayon.

Narito ang kabuuan ng pag-anunsyo ni Rachelle Ann sa kanyang vlog:

Preso, nakatakas matapos mautusang mag-igib ng tubig sa labas ng bilangguan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rachelle Ann Go ay isang Filipina singer at aktres na nagkaroon ng mayabong na career sa Broadway aboroad.

April 18, 2018 nang ikasal siya kay Martin Spies na general manager ng Equinox.

Kamakailan, ay ipinakita ni Rachelle Ann sa kanyang vlog ang kanilang tahanan ni Martin sa London.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel