Maureen Wroblewitz, ibinahagi ang kanyang napagtanto nang magka-COVID

Maureen Wroblewitz, ibinahagi ang kanyang napagtanto nang magka-COVID

- Ibinahagi ng Filipino-German model na si Maureen Wroblewitz na nagpositibo siya sa COVID-19

- Ayon sa kanya, nais niya sanang ilihim ang tungkol dito ngunit naisip niyang kailangan niyang ibahagi ang kanyang karanasan

- Dalawang linggo na umano siyang naka home quarantine at naapektuhan maging ang kanyang mental health dahil hindi biro ang kanyang karanasan

- Nagpapasalamat naman siya na maayos na ang kanyang pakiramdam sa kabila ng lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpositibo sa COVID-19 ang Filipino-German model na si Maureen Wroblewitz. Ito ay kanyang ibinahagi sa social media upang makadagdag sa awareness ng publiko tungkol sa COVID.

Sa kabila ng kagustuhang itago ang tungkol dito, nanaig sa kanya ang kanyang pagnanais na makabigay ng dagdag kaalaman. Aniya, dalawang linggo na siyang naka home quarantine simula nang magpositibo siya sa coronavirus.

Hindi umano naging madali ang kanyang pinagdaanan at nkaapekto ito sa kanyang mental health. Kaya naman nagpapasalamat siyang mas maayos na ang kanyang pakiramdam.

Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

Napagtanto niyang hindi siya dapat makampante lalo na sa panahon ngayon dahil wala umano siyang ibang maasahan kundi ang kanyang sarili.

This experience has taught me a few things. That I should never let my guard down at a time like this, to trust my gut instincts and also that the only person you can really trust is yourself.

Pinayuhan niya ang mga netizens na huwag makampante dahil may mga taong walang pakialam kung mahawaan ka man.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maureen Wroblewitz, ibinahagi ang kanyang napagtanto nang magka-COVID

Maureen Wroblewitz (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Mild lamang umano ang sintomas na kanyang naranasan.

Sa isang komento, isang netizen ang nagsabing dapat ay mag-ingat siya lalo na sa mga pagkaing kanyang natatanggap. Sagot ni Maureen, maingat siya at lagi siyang nagdi-disinfect at nahawa siya umano sa isang kaibigan niya.

yes I always disinfect them naman ❤️pretty sure I got this from a friend :(
Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Maureen Wroblewitz o Maureen Christa Pojas Wroblewitz sa totoong buhay ay isang Filipino-German fashion model, na sumikat matapos tanghaling kampyon sa Asia's Next Top Model. Kinatawan niya ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon at ang kauna-unahang Pinay na nanalo.

Matapos niyang manalo sa Asia's Next Top Model, pinasok niya rin ang local showbiz at napasama sa music video ng awiting Buwan ni JK Labajo. Naging bahagi din siya ng noontime show na Eat Bulaga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel