Kim Chiu, nagbasa at sumagot sa mga mean comments sa kanya ng netizens

Kim Chiu, nagbasa at sumagot sa mga mean comments sa kanya ng netizens

- Bilang paggunita sa kanyang pagkakaroon ng 2 milyong YouTube subscribers, napagpasyahan ni Kim Chiu na magbasa ng mga mean comments sa kanya

- Ibinahagi niya rin ang kanyang saloobin hinggil sa mga komentong ito na ipinupukol sa kanya

- Kabilang na sa mga pamimintas na kanyang natanggap ay kaugnay sa kanyang pinag-usapang kantang 'Bawal Lumabas'

- Kinagiliwan naman ng mga subscribers niya ang kanyang naging reaksiyon sa kabila ng masasakit na mga salitang ibinato sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ipinagdiwang ni Kim Chiu ang pagkakaroon niya ng 2 milyong subscribers sa YouTube. Bilang pagdiriwang sa kanyang bagong milestone, napagpasyahan niyang magbasa ng mga mean comments sa kanya ng mga netizens at sinagot niya rin ang mga ito.

Kabilang sa kanyang mga nabasa ay ang tungkol kawalan niya umano ng talents at maganda lang siya. Sagot ng TV host/actress, at least ay napansin umano ang kanyang ganda.

Misis, nagulantang sa natuklasang sa bahay nila mismo ginagawa ni mister ang pagtataksil

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din nakaligtas sa mga bashers ang tungkol sa kanyang kontrobersiyal na guesting sa isang FM station na kilala sa pag-guest sa iba't-ibang mga singers at banda sa bansa. Dito niya kinanta ang nabuong awitin na Bawal Lumabas.

Gayunpaman, sa kabila ng positibong mensahe ng kanta, pinutakte ito ng negatibong komento at dislikes sa YouTube channel ng nasabing FM station.

Ayon sa netizen, marami namang mas deserving na mag guest. Kinuwestiyon nito kung bakit nakapagperform si Kim sa nasabing FM station.

Kim Chiu, nagbasa at sumagot sa mga mean comments sa kanya ng netizens

Kim Chiu (Photo from flickr.com/photos/tillyholland/14861977073)
Source: UGC

Sagot naman ni Kim, nagandahan siya sa mensahe ng kanta sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan niya kaya niya napagpasyahang ituloy ito.

Pabiro pa niyang pinasalamatan maging ang mga basher dahil nanood din naman umano ang mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Lolo, kinagiliwan sa social media matapos makabingwit ng parcel sa baha

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang nabatikos ang aktres kaugnay sa kanyang statement sa kasagsagan ng issue ng franchise renewal ng ABS-CBN kung saan nabuo ang kanyang awiting 'Bawal Lumabas.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel