Proof of delivery na naging instant photoshoot, kinagiliwan ng netizens

Proof of delivery na naging instant photoshoot, kinagiliwan ng netizens

- Viral ang mga larawan ng isang netizen kung saan tila naging pictorial ang kanyang 'proof of delivery'

- Nauuso na kasi ngayon ang pagkuha ng larawan at hindi lamang basta pirma ang ebidensya ng pagtanggap ng mga package

- Ang netizen na ito, tinodo ang pagpapa-picture sa delivery man na may background pa at para na siyang modelo na kinukuhaan ng picture

- Tuwang-tuwa ang mga netizens na nagkaroon daw umano ng ideya sa susunod na kakailanganin ng larawan bilang proof of delivery

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Proof of delivery na nagmistulang photoshoot, kinagiliwan ng netizens

Joyceeh Espino (Photo from Klasik Titos and Titas of Manila Facebook)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang mga larawan ng isang babaeng tila naging instant photoshoot ang 'proof of delivery' niya nang kailanganin ito ng courier service.

Ibinahagi ng Klasik Titos and Titas of Manila ang mga larawan ni Joyceeh Espino kung saan pinaghandaan niya umano ang pagdating ng mga produktong pina-deliver.

Kim Chiu, nagbasa at sumagot sa mga mean comments sa kanya ng netizens

Nalaman ng KAMI na dati raw kasi, nagagawa na lamang ni Joyceeh na lumabas ng walang kaayos-ayos at minsa'y nagtatapi ng tuwalya habang siya ay nakapambahay lamang sa pagtanggap ng mga deliveries.

Subalit isa umano sa kanyang mga kaibigan ang hinamon siya na gawin ang 'babaeng marangal challenge' na siyang unang nakagawa ng konsepto ng bonggang pagtanggap at papakuha ng larawan bilang proof of delivery.

Dahil dito, talagang naghanda siya sa pagdating ng kanyang delivery. Gumawa pa siya ng back drop na may nakasulat na "Natanggap ko na" upang masabi niya kahit sa larawan lamang na maayos niyang nakuha ang produkto.

Nagmistulang pictorial ang "proof of delivery" at naka-dalawang palit pa ng damit si Joyceeh.

Talagang nagpaayos din siya ng buhok at todo make-up pa na hindi mo aakalaing proof of delivery lamang pala ang 'photoshoot' na nagaganap. Mapapansing may 'glam team' pa si Joyceeh.

Aliw na aliw ang mga netizens na tila nagkaroon pa raw ng ideya sa kung ano ang maari nilang gawin sa susunod na may darating silang delivery na hindi lamang pirma kundi picture nila ang kailangan na natanggap na nila ang produkto.

Mister, naiyak nang makaharap ang misis na nabuntis ng kanyang tropa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Super aliw to! hahaha. Next time ganito gagawin ko."

"So ayun si Kuya, naging photographer na, ganda ng mga shots ah"

"Game na game naman si kuya driver no, malaki siguro tip niya. Nakakaaliw"

"Ang bongga naman nito, may pa-backdrop pa ayaw talaga pakabog"

"Ang nakakatuwa rito, nakadalawang outfit si ate so naghintay talaga si delivery man haha"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong panahon ng pandemya, patok na patok talaga ang pagpapa-deliver na lamang ng anumang kailangan sa bahay mapa-pagkain man o kagamitan.

Isa kasi itong paraan upang malimitahan ang paglabas ng mga tao bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Kaya naman tulad nang nasa viral post na ito, mainam na kuhanan ng larawan ang tumatanggap ng mga delivery upang masiguro na maayos nila itong nakuha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel