Lea Salonga, humingi ng dispensa matapos maliwanagan tungkol sa viral na module

Lea Salonga, humingi ng dispensa matapos maliwanagan tungkol sa viral na module

- Humingi ng dispensa ang singer na si Lea Salonga kaugnay sa kanyang naging reaksiyon sa nagviral na DepEd module

- Matatandaang umani ng mga reaksiyon at pambabatikos ang nasabing module dahil sa umano'y tema ng diskriminasyon dito

- Isang tao umano ang nagpadala ng mensahe kay Lea upang ipaliwanag na ang nasabing module ay tumatalakay sa Philippine History

- Dagdag pa ng mang-aawit, nais lamang niya ng maayos na edukasyon para sa mga kabataan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos maliwanagan kaugnay sa viral na 'tattoo module' ng DepEd, humingi ng dispensa si Lea Salonga matapos siyang maglabas ng kanyang saloobin hinggil dito.

Sa isang Facebook post, ibinahagi niya na isang tao ang nagpadala sa kanya ng mensahe upang maunawaan niya ang totoong nilalaman ng module. Ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng tattoo sa ating kultura sa ilalim ng Philippine History.

Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan
Lea Salonga, humingi ng dispensa matapos maliwanagan tungkol sa viral na module

Lea Salonga (Photo by Dia Dipasupil via Getty Images)
Source: Getty Images

Taliwas sa ipinalabas na tamang sago tna sumisimbolo sa pagiging kriminal, titik C umano ang tamang sagot na sumisimbolo sa kagitingan at kagandahan.

Thanks to a direct message (you have my sincerest thanks... you know who you are) sent to me, turns out that the context of that page was such: the discussion was on Philippine History and on the significance of tattoos in our culture. The correct answer was C, that tattoos were a symbol of beauty and courage. Not A, that tats are a sign of being a criminal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang pananaw, mayroon lang talagang nais manira sa DepEd kaya naman humingi siya ng dispensa at nais lamang umano niya ng maayos na edukasyon para sa mga kabataan.

So, in my amateur opinion, someone out there wants to make someone else look incompetent. Covering up a big part of the page and making it look like the answer key was marking the wrong letter as correct. For my part in this, allow me to apologize. I just want for our kids to get as good an education as they can get.
Harry Roque, nagpaliwanag tungkol sa viral na video niya sa kasagsagan ng baha

Nag-iwan din siya ng mensahe para sa taong sumabotahe.

As for the saboteur, there’s a special place in hell for the likes of you.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Lea Salonga ay isang mang-aawit na nakilala sa mga musical theater shows sa ibang bansa. Sa katunayan, siya ang boses sa likod ng mga awtin ng mga Disney characters na sina Princess Jasmine at Mulan.

Isa si Lea sa mga personalidad na naglalabas ng kanilang saloobin hinggil sa mga kasalukuyang suliranin ng bansa kabilang na ang mga naglalabasang kamalian sa mga module mula sa DepEd.

Kabilang din sa kanyang pinuna ay ang 'tattoo module' na nagviral kamakailan sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel