Gabby Concepcion, awang-awa sa anak na si KC na naiyak matapos nilang magkita

Gabby Concepcion, awang-awa sa anak na si KC na naiyak matapos nilang magkita

- Isiniwalat ni Gabby Concepcion na naawa siya sa anak na si KC Concepcion na naiyak nang huli silang magkita

- Kamakailan ay lumabas silang mag-ama bilang post-birthday celebration ni Gabby at ito rin ang unang pagkakataong nagkasama sila mula nang mag-lockdown

- Nagbahagi si KC ng video ng kanilang bonding ng ama na sobrang na-miss niya sa tagal nilang hindi nagkasama

- At nang sila'y papauwi na, naikwento ni Gabby na halos hindi siya bitawan ni KC dahil ayaw siya nitong iwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gabby Concepcion, awang-awa kay KC na umiyak at ayaw siyang iwan nang magkita silang mag-ama

Gabby Concepcion (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Naikwento ng Kapuso Star na si Gabby Concepcion na naawa siya sa anak na si KC nang huli silang magkita kamakailan.

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng father and daughter bonding ang dalawa bilang post-birthday celebration pa rin ni Gabby.

Sa panayam ni Lhar Santiago ng 24 Oras kay Gabby, naikwento nitong naawa siya kay KC na naluha at ayaw pa silang magkawalay nang sila'y magkita.

Makulit na larawan ni Barbie Imperial na "ipina-Tulfo" raw ng GF ng isang vlogger, viral

"Naawa ako sa kanya Lhar dahil pauwi na kami, ayaw niya ako bitawan, ayaw niya ako pauwiin,” kwento ng ama ni KC Concepcion.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Nagkita kami mga seven past, hanggang mga ampas alas dose... umiyak dahil ayaw ako iwanan. Naawa naman ako,” dagdag pa nito.

Siniguro naman ni Gabby na isang text lang naman o tawag sa kanya ni KC ay mapaglalaanan naman niya ito ng oras.

Sa ngayon kasi, magiging abala ang aktor sa pinakabagong teleserye niya sa GMA ang "First Yaya" kung saan makakatambal niya si Sanya Lopez.

Lock-in ang taping nila kaya naman naghahanda na ang aktor para sa pag-stay in nila kasama ang mga cast at crew ng programa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

Si Gabby Concepcion ay isang Filipino actor na dating asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Mayroon silang isang anak na si KC Concepcion na gumagawa ng sarili niyang pangalan sa fashion at jewelry industry. Sa ngayon, Kapuso star si Gabby na aktibo sa mga teleserye ng naturang network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel