VP Leni Robredo, dinepensahan ang mga anak: "Ngayon, ang binubully mga anak ko"

VP Leni Robredo, dinepensahan ang mga anak: "Ngayon, ang binubully mga anak ko"

- Naglabas ng pahayag si Vice President Leni Robredo patungkol sa mga akusasyon laban sa kanyang mga anak

- Ito ay matapos na magpahayag din ng saloobin ng dalawang anak ng bise presidente sa social media na inakala di umano ni presidential spokesperson Harry Roque na patungkol di umano sa presidente

- Ayon kay VP Leni, proud siya sa mga anak niyang pinaghirapan ang kung anuman ang kanilang narating sa ngayon

- Bagaman at nahasa umano nila ang mga ito sa pagiging matapat at matapang sa pagbibigay ng pahayag, wala umanong balak ang isa man sa mga ito na pasukin ang pulitika

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

VP Leni Robredo, dinepensahan ang mga anak: "Ngayon, ang binubully mga anak ko"

Photo from VP Leni Robredo's Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dinipensahan ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga anak matapos na akusahan ang mga ito na may kaugnayan pa rin ang kanilang mga tweet sa hashtag na #NasaanAngPangulo.

Preso, nakatakas matapos mautusang mag-igib ng tubig sa labas ng bilangguan

Nalaman ng KAMI na una nang naituro ng palasyo si VP Robredo na nasa likod umano ng kontrobersyal na hashtag noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses na mariin naman niyang pinabulaanan.

Base sa ulat ng Philippine Star, isang Facebook post ang inilabas ng bise presidente matapos na mabanggit ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang Palace briefing ang di umano'y palitan ng tweets ng dalawang anak ni VP Robredo na patungkol sa Pangulo.

Ayon sa GMA News, ng tinutukoy na tweet ni Roque ay ang post ni Tricia Robredo na “Tulog pa rin, alas otso na,” at nagkomento naman ang kapatid niyang si Aika Robredo ng “Sabado eh, weekend.”

Dahil dito, muling binigyang diin ni Roque na may kinalaman ang bise presidente sa hashtag na #NasaanAngPangulo.

Ngayon, ang binubully mga anak ko. I have always been proud of the persons my daughters have become. They are their own persons,"

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

"What they have accomplished, so far, are all borne out of their hard work. They never used our name or whatever little influence we have to get what they want,” depensa ni VP Robredo.

“They’re all adults now, they’re not in government. They are not politicians and they don’t plan to be. Totoo they’re outspoken and rightfully so. We have trained them to stand up for themselves and what they believe in,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling update ng bise presidente, patuloy umano ang pagbisita niya sa mga lugar na labis na nasalanta ng sunod-sunod na pagbaha.

Kamakailan, natanong na rin siya ng CNN Philippines, kung may balak siyang tumakbo sa Halalan 2022. Diretsahan niyang sinagot na marapat na tumutok at bigyang pansin muna ang kasalukuyang pandemya at iba pang suliranin ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel