Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal

Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal

- Masamang-masama ang loob ng isang bride na ikakasal na sana ngunit bigla na lamang umatras ang kanyang groom

- Depensa ng lalaki, hindi na raw niya masikmura ang ugali ng kanya sanang pakakasalan kaya naman nagdesisyon siyang hiwalayan na ito

- Ngunit ayon sa babae, mayroon na raw na bagong girlfriend ang lalaki na nagagawa pa niyang iuwi sa kanilang tahanan at alam na rin daw iyon ng magulang nito

- Nais pakasuhan ng bride ang kanya sanang groom dahil sa tindi ng sama ng loob na binigay nito sa kanya na mababakas naman sa sobrang paghagulhol nito habang isinasalaysay ang nangyari sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook
Source: Facebook

Emosyonal at walang humpay ang pag-iyak ng bride-to-be sana na si Mary Grace Dollete nang dumulog ito sa "Wanted sa Radyo" ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na bigla na lamang daw kasing umatras ang kanya sanang groom na si Lendo Romero isang araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib.

OFW sa Saudi, sinuwerte sa among napakaayos ng trato sa kanya

Kwento ni Mary Grace, handa na talaga ang lahat para sa kanilang kasal. Mayroon pa nga siyang ipinadalang larawan na naisukat na niya ang kanyang wedding gown.

Naipamalita na rin nila sa kanilang mga kamag-anak ang mahalagang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ngunit hindi na raw ito mangyayari dahil lamang sa hindi na raw masikmura ng lalaki ang kanyang ugali.

Dagdag pa ni Lendo, nasasakal na umano siya sa sobrang pagiging selosa ni Mary Grace na hindi raw siya pinapayagan na umuwi sa kanila na hindi ito kasama.

Doon isinambulat ni Mary Grace na nakarating na sa kanya na mayroong ibang babae si Lendo na nagagawa pa nitong iuwi sa bahay nila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Iyon daw ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang selos ni Mary Grace kung uuwi na mag-isa si Lendo sa kanilang tahanan.

Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

Ayaw na rin namang ituloy ni Mary Grace ang kasal, subalit grabe ang sakit na ibinigay ni Lendo sa kanya na nais niya sanang ipatanggal sa trabaho.

Ngunit dahil hindi naman sila kasal, hindi siya matutulungan ni Tulfo sa puntong iyon.

Dahil dito, iminungkahi ni Atty. Garreth Tungol, ang abogado ng programa na maari lamang kasuhan ni Mary Grace at dating nobyo lalo na kung lalabas na dumaranas ng matinding depresyon ang babae dahil sa nagawa ng lalaki.

Tutulong si Tulfo upang maipasuri si Mary Grace na umaming kikitilin na sana ang sariling buhay sa sama ng loob sa ginawa ng nobyong pakakasalan sana niya.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya sa pagiging "hari ng public service" sa programa niyang Wanted sa Radyo.

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

Sa ngayon, mayroon pa siyang dalawang programa sa TV5 ang Idol in Action at Frontline Pilipinas.

Kamakailan ay nagbigay si Tulfo ng agarang tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses sa pamamagitan ng Alagang Kapatid Foundation.

Sa tulong din ng kanyang programa, napauwi ang isang OFW na nawalan ng trabaho ngayong pandemya at binigyan pa niyang ng pangkabuhayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel