Zanjoe Marudo, gamit na rin ang "hashtag" ni Angelica Panganiban

Zanjoe Marudo, gamit na rin ang "hashtag" ni Angelica Panganiban

- Mabilis na nag-viral ang post ni Zanjoe Marudo kung saan magkasama sila ni Angelica Panganiban

- Ginamit niya ang hashtag #rumoredboyfriend matapos na umugong ang bali-balitang nagkakamabutihan na silang dalawa

- Sa isang episode pa ng YouTube channel ni Angelica, si Zanjoe ang sagot nito nang tanungin siya kung sino ang pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang naging leading man

- Mapapansin din na sa kanyang mga kaibigan, tila may mangilan-ngilan na pangungulit kay Angelica tungkol sa kanyang love life

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Zanjoe Marudo, hashtag #rumoredboyfriend ang gamit sa picture nila ni Angelica Panganiban

Photo from Angelica Panganiban's Instagram
Source: Instagram

Marami ang kinilig sa pinakabagong Instagram post ni Zanjoe Marudo kung saan kasama niya si Angelica Panganiban.

Nalaman ng KAMI na ginamit muli ni Zanjoe ang hashtag #rumoredboyfriend na minsan na ring nagamit ni Angelica sa kanyang mga social media post.

"Pa like naman, para may heart sa gitna #rumoredboyfriend," ang caption ni Zanjoe sa kanyang IG post kung saan tila nagkakakulitan sila ng kanyang leading lady sa bagong proyekto nilang "Walang Hanggang Paalam."

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

Mabilis na umugong ang bali-balita ng di umano'y namumuong relasyon sa dalawa lalo na nang maglabas ng pahayag ang entertainer reporter na si Lolit Solis tungkol sa "pagkakamabutihan" umano nina Zanjoe at Angelica.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, isang episode naman ng kanyang YouTube channel na "Ask Angelica", si Zanjoe ang kanyang isinagot sa kung sino ang pinakapaborito niyang leading man.

Makailang beses din siyang tinanong ng malalapit niyang kaibigan kung kumusta na nga ba ang kanyang love life at masaya naman niya itong sinasagot na kalmado raw ang kanyang puso.

Mapapansin ding tila may ilang mga pahaging ang kanyang mga surprise guest patungkol sa buhay pag-ibig ni Angelica.

Narito ang kabuuan na episode:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angelica Panganiban ay isa sa mga kilalang aktres at endorser sa bansa. Kilala siya sa husay niya sa pag-arte ng anumang karakter na ibinibigay sa kanya at karamihan ng kanyang proyekto ay sa ilalim ng ABS-CBN.

OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

Ang pinakabagong proyekto ni Angelica ay ang "Walang Hanggang Paalam" kung saan makakasama niya ang kanyang "rumored boyfriend" na si Zanjoe Marudo.

Dahil umano naka-lock in sila sa taping, ito raw marahil ang dahilan kung bakit sinasabing nagkakamabutihan na nga ang dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel