89-anyos na ina, kalauna'y pumanaw matapos na mabugbog di umano ng lasing na anak

89-anyos na ina, kalauna'y pumanaw matapos na mabugbog di umano ng lasing na anak

- Pumanaw din ang inang sinasabing nabugbog di umano ng sarili niyang anak na noon daw ay nakainom

- Nadala pa umano ang ina sa ospital at nakunan ng video kung saan nagtamo pa ito ng 'black eye dahil sa pananakit ng anak

- Mariing itinatanggi naman ng suspek ang pananakit sa ina lalo na at siya naman daw ang nag-aaruga at nagpapakain dito

- Itutuloy naman ng kanyang kapatid ang kaso lalo na at may mga ebidensya raw ito ng pananakit ng kuya sa kanilang walang laban na ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

89-anyos na ina, kalauna'y pumanaw matapos na mabugbog di umano ng lasing na anak

Victim, Francisca Marquez (Photo from Jannyiel Juralbar)
Source: UGC

Pumanaw na rin ang 89-anyos na ina na nakilalang si Francisca Marquez matapos na masaktan at mabugbog ng sarili niyang anak sa Pangasinan.

Nalaman ng KAMI na nakakainom daw noon ang suspek na si Fernando Marquez at dala umano ng kalasingan nagawa nitong saktan ang sariling ina.

Ina, sinurpresa ng mga anak ng 3-layer cake na gawa sa kanin

Ayon sa ulat ni Claire Lacanilao ng GMA Regional TV, nadala pa umano sa ospital ang ina na makikitang nagtamo ng balck eye.

Lumabas sa imbestigayon ng pulisya, matinding pananakit ang natamo ng ina at malakas ang pagkakauntog nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi nagtagal, dala na rin ng katandaan, pumanaw din ang ina.

Ayon kay Fernando, hindi raw niya magagawang saktan ang ina lalo na at siya pa raw ang nagpapakain dito.

Subalit itinanggi naman ito ng isa pang kapatid ni Fernando na si Dionisio lalo na at marami raw siyang ebidensya na magpapatunay ng pananakit ng kanyang kuya sa kanilang ina.

Mahaharap sa kasong parricide si Fernando na isasampa mismo ng kanyang kapatid upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanilang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Toni Fowler, kakasuhan ang basher na bumagsak sa lie detector test

Kamakilan ay nag-viral din sa social media ang di umano'y pagsaboy ng kaning baboy sa sariling ina.

Isang concerned netizen ang nagbahagi ng larawan ng kaawa-awang ina upang mahanap din ang anak nitong lesbian na nasikmurang bastusin ang kanyang nanay.

Hindi nalalayo rito ang reklamo rin ng isang ina sa nagrerebelde niyang anak na hindi niya masupil kaya naman idinulog na niya sa programa ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel