Lalaking nadapa kakahabol sa ipinamimigay na relief goods, dinagsa ng tulong

Lalaking nadapa kakahabol sa ipinamimigay na relief goods, dinagsa ng tulong

- Dinagsa na ng tulong ang lalaki sa viral video na puro putik at alikabok ang mukha dahil nadapa raw ito kakahabol sa namamahagi ng relief goods sa Cagayan

- Ang masaklap, nadala na nga siya at lahat, wala pa siyang nakuhang relief goods na siyang kakainin sana ng kanyang pamilya

- Sa video, makikitang napapakaway na lamang siya sa namamahagi ngunit wala pa rin itong nakuha

- Marami ang nadurog ang puso kaya naman unti-unti nang dumarating ang tulong para sa lalaking isa sa mga biktima ng pagbaha sa Cagayan at Isabela

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking nadapa kakahabol sa relief goods sa Cagayan, dinagsa na ng tulong

Tatay Lauriano Anung Pattaui (Photo from Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan's Facebook)
Source: Facebook

Matapos na mag-viral ang TikTok video ng isang lalaking nadapa sa paghabol sa namamahagi ng relief goods, nabigyan na rin siyang tulong.

Nalaman ng KAMI na ang lalaking ito ay si Lauriano Anung Pattaui ng Barangay San Isidro, Iguig sa Cagayan.

Pagpapaabot ng pagkain sa mga biktima ng baha, umantig sa mga netizens

Ibinahagi ng nagmalasakit na netizen na si Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan ang TikTok video ni @itsmecarlo19 kung saan makikita ang kalagayan ni Tatay Lauriano.

Puno ng alikabok at tuyong putik ang kanyang mukha matapos na siya ay madapa. Pilit niyang hinahabol ang nagbibigay ng mga relief goods sa kanilang lugar at sa kasamaang palad, hindi siya noon nakakuha.

Kapansin-pansin sa video ang lungkot sa kanyang mukha lalo na at wala siya noong maiuuwi sa kanyang pamilya.

Nakakadurog ng pusong makita na napakaway na lamang si Tatay Lauriano sa namamahagi subalit wala ring nag-abot sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, marami ang naantig ang puso na nagpadala ng tulong sa lalaki sa tulong na rin ni Apreil na agad naman siyang natunton.

Nabigyan na si Tatay Lauriano ng mga pagkain at iba pa nilang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Mga taga-Cagayan, di inaasahan ang labis na pagbaha na pinaka-grabe sa kanilang kasaysayan

Bigo man noong una at nadapa pa siya, ngayon, hindi na niya kailangang tumakbo at makipag-agawan dahil kusa na lamang dumarating sa kanya ang biyaya.

Patuloy pa rin ang dating ng tulong sa kanya mula sa mga kababayan natin maging ang mga nasa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa si Tatay Lauriano sa libo-libo nating mga kababayan na labis na naapektuhan ng Bagyong Ulysess na tumama sa bansa noong gabi ng Nobyembre 11.

Sadyang hindi inaasahan ng mga kababayan ni Tatay Lauriano sa Cagayan ang biglang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar lalo na at wala namang storm signal na itinaas doon.

Bukod sa Cagayan at Isabela na lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi, labis ding naapektuhan ng hagupit ni 'Ulysses' ang Marikina at lang bahagi ng Rizal.

Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

Katunayan, maging ang ilang mga artista ay halos malimas ang mga laman ng bahay na nalubog din sa tubig baha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel