Post ng GF tungkol sa lakad ng nobyo niyang "all boys" lang daw, kinagiliwan ng netizens

Post ng GF tungkol sa lakad ng nobyo niyang "all boys" lang daw, kinagiliwan ng netizens

- Viral ang post ng isang girlfriend tungkol sa nobyo niyang nagpadala umano ng ebidensya sa kanya ng kanilang lakad

- "All boys" lamang daw ito na makikita nga naman sa larawang ipinadala sa nobya kung saan walong mga lalake ang magkakasama

- Subalit mabilis ang mata ng girlfriend at nakita ang ilang ebidensya may babaeng kasama ang kanyang nobyo at mga tropa nito

- Natuwa ang maraming netizens at karamihan sa kanila ay nai-tag din ang kanilang mga kasintahan sa viral post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Post ng GF tungkol sa lakad ng nobyo niyang "all boys" lang daw, kinagiliwan ng netizens

Photo: Pixrepo
Source: UGC

Agaw eksena sa social media ang post ng netizen na si Maria Yzabela Mendoza patungkol sa lakad ng kanyang nobyo.

Nalaman ng KAMI na pinakita ni Yzabela ang pinadalang larawan ng kanyang BF bilang patunay na "all boys" lamang ang lakad nila.

Subalit likas na mapanuri talaga ang mga babae kaya naman nakita agad ni Yzabela na hindi nagsasabi ng totoo ang kanyang kasintahan.

OFW, inirereklamo ang dating lesbian partner na naunahan pa siyang mabuntis

Sa larawan, walong mga lalaki nga naman ang magkakasama. Subalit kapansin-pansin ang dalawang bag na pambabae na nahagip din ng larawan.

"Pasend-send ka pa sakin ng picture na "All Boys" pero may Bag ng babae? Kwento mo nalang sa pagong. Ace Non Dela Paz HAPPY BDAY AH, PASENSYA KA NA GOD BLESS. SAYA MO AH? EWAN KO NALANG MAMAYA PAG UWI MO!" ang caption ng post ni Yzabela.

Umabot sa 213,000 ang reaction ng post at 155,000 na ang shares nito.

Mapapansin ding karamihan sa mga komento ay pawang mga 'tag' ng nobya sa kanilang mga boyfriend.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang komento ng ilang netizens:

"Huli ka boy! picture for evidence pa ha, lalo ka tuloy na-yari"

"Hahaha baka naman may dalawa diyan na 'girl'"

"Awts! all boys pero girl's bag tapos dalawa pa, naku po lagot talaga kayo"

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

"So ano, dalawa diyan sa 8 na yan ang gumagamit ng ladies' bag?"

"Ok na sana kaso nasira sa mga bags. Take note, mga bags so 'girls' sila"

"Pa-good boy kasi all boys pero may pambabaeng bag, umamin kayo!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral naman ang post ng isang nobya na labis na humanga sa kanya na ngayong fiance' sa paghihintay nito ng 12 taon para lamang makamit nito ang matamis niyang oo.

Samantala, isang nobyo naman ang agad na nag-propose sa kanyang nobyang frontliner matapos nitong maka-recover sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel