Lolo, kinagiliwan sa social media matapos makabingwit ng parcel sa baha

Lolo, kinagiliwan sa social media matapos makabingwit ng parcel sa baha

- Kinagiliwan ng mge netizens ang isang lolo na nakuhanan ng video sa kasagsagan ng baha

- Hindi lamang siya kundi maging ang mga kapitbahay niya ay may panungkit na hawak

- Ito ay upang makakuha ng mga bagay na maaring mapakinabangan na napasama sa baha

- Marami ang naaliw sa pagiging masayahin ng magkakapitbahay sa gitna ng kinakaharap ng problema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa isang video kung saan makikita ang magkakapitbahay na nakaabang sa mga bagay na natatangay ng tubig baha habang sila ay nasa kanilang mga bubong.

Lahat sila ay may hawak na panungkit upang makuha nila ang makikitang bagay na sa tingin nila ay kanilang mapapakinabangan.

Isang supot na may tatak ng isang sikat na delivery company. Dahil mas malapit sa kanya, isang matandang lalaki ang nakakuha ng nasabing supot.

Pamimigay ng relief goods sa Cagayan, viral sa social media

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binuksan niya ito at inisa-isang ilabas ang laman. Kabilang sa mga nakuha sa loob ng supot ay damit, salamin, mga papel, pabango, deodorant at mga iba pang mga bagay.

Base sa laman ng supot tila hindi ito mula sa online shopping delivery dahil sari-sari ang laman nito. Naging samu't-sari naman ang reaksiyon ng mga tao hinggil dito.

May mga natuwa sa pagiging masayahin ng mga residente sa gitna ng kinakaharap na suliranin. Mayroon namang ibang hindi nagustuhan na hindi umano tiningnan kung may pangalan ang nasabing supot upang maibalik sa may-ari.

Sa pagbaha sa maraming lugar sa Luzon dahil sa sunod-sunod na paghagupit ng bagyo, marami sa mga residente ang walang nagawa kundi umakyat sa kanilang mga bubong upang makaligtas sa lumalalim na tubig-baha.

Lolo, kinagiliwan sa social media matapos makabingwit ng parcel sa baha

Cagayan Valley (Photo by Ezra Acayan/Getty Images)
Source: Getty Images

Maging ang ilang lugar sa labas ng Metro Manila ay nakaranas ng matinding pagbaha bunsod ng ppag-ulan at pagpapakawala ng tubig sa ilang dam.

Pagpapaabot ng pagkain sa mga biktima ng baha, umantig sa mga netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Lolo, kinagiliwan sa social media matapos makabingwit ng parcel sa baha

Magat Dam (Photographer: Nana Buxani/Bloomberg via Getty Images)
Source: Getty Images

Matatandaang agad na nagtrending sa social media ang panawagan ng tulong para sa Cagayan Valley na nalubog sa baha matapos magpakawala ng tubig ang Magat dam.

Maging ang mga artista at kilalang personalidad ay nanawagan upang matulungan ang mga apektadong residente sa Cagayan at Isabela.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel